Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John en Ellen pagseselosan ni Priscilla

0 195

MILDRED A.BACUD: Sa lakas ng appeal ni John Estrada, marami na rin ang mga babaeng na-link sa kanya.

Pero nang dumating sa buhay niya si Priscilla Meirelles at nagpakasal sila masasabing tumino raw ang aktor.

Alam naman natin mga ka-Cuatros kung gaano rin naging kontrobersyal si Ellen Adarna pagdating sa usaping puso.

Nang tanungin si John na hindi kaya magselos ang asawa sa kanila ng aktres lalo’t mag-asawa ang role nila dito .
Kumbaga,hindi maiiwasan na maraming mga sweet moments. Hindi kaya magselos si Priscila?Sagot ng aktor, “Happy and very supportive ang asawa ko.Alam naman niya na trabaho lang.”

Sa loob din daw ng sampung taon na pagsasama nila ng asawa ay masasabing matatag ang kanilang samahan. Mahal na mahal rin daw niya ang asawa.

Sobrang pasasalamat naman ng aktor sa pagbabalik niya sa genre kung saan siya nagsimula, ang comedy. Huling sitcom niya ang Everday Hapi sa TV 5 at nakasama niya si Long Mejia. Aminadonng nanibago si John sa umpisa pero nagamay niya na rin dahil magagaan naman daw katrabaho ang mga stars na kasamaniya rito. Ngayong Sunday, 7PM na ang pilot episode ng John en Ellen sa TV5.

RODEL FERNANDO: Mas pinili ni Ellen ang sitcom kesa teleserye at pelikula. Ipinaliwanag niya kung bakit dito muna siya mapapanood.

“Kasi alam naman natin na if drama or kung ano man, it requires a lot of energy. And like I said, my son is my priority so I can just do comedy for now,” pakli niya.

Ayon pa sa sexy actress. hindi niya nakikita ang sarili na gagawa ng action or drama in the future. Mas pokus siya sa kanyang anak.
“My problem is the time, it’s the lock-ins, it’s the time away from my son. ”

Ngayong mapanood na ang John en Ellen ay hinahangad namin na magtagumpay ito. At sana huwag matulad sa ibang show ng TV5 na hindi nagtagal sa ere at natsugi agad.

ROMMEL PLACENTE: May say talaga si John mga ka-Cuatros,sa pagpili ng mga makakasama sa kanilang sitcom na John En Ellen.Isa rin nga kasi siya sa producer nito.Kung pinili niya si Ellen para gumanap na asawa niya, siya rin ang pumili kay Angelina Cruz, na anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz para gumanap naman bilang anak nila.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni John tungkol sa dalagita,”Big revelation dito (sa sitcom) si Angelina. Even ako nga, nu’ng una,nu’ng kausap ko si Shine, I didn’t realize na first project ito ni Angelina.But you know, It only means..she’ very..I think ‘no,nagtataka ako kasi I’ve seen her on TV a lot of times. So sabi ko,wow! Ang galing! Parang may magic talaga. So excited kami. I’m sure excited din ‘yung mga fan ni Angelina na mapanood siya .”

Si John din ang pumili kay Long Mejia para makasama sa sitcom.Nagkatrabaho kasi sila sa Everyday Hapi.

“Para sa akin and I’m sure, maging sa maraming Pilipino, sorry sa ibang mga komedyante. Si Long ang pinakamagaling na komedyante ngayon,”papuri ni John .

ROLDAN CASTRO: Binigyan din ng trabaho ni John Estrada ang dating child actor na si Yogo Singh.

Masaya nga ang ermat ni Yogo na may regular sitcom ang anak kahit may pandemya.

Isa pang inamin ni John ay kasosyo rin si Derek Ramsay sa production . Dahil dito, hindi malabo na mag-guest siya sa naturang show.

Puwede rin siguro na makatawid siya sa TV5 kahit Kapuso siya.

Ganyan din ang nangyari kay John, nakapagtraho siya sa TV5 kahit may show sa GMA 7.

Nakakatawid siya sa Singko kahit may show siya dati sa ABS-CBN 2.

Anyway, sana magtagal ang John en Ellen gaya ng ‘John en Marsha’ nu’ng 80’’s.

Sey nga ni John, kung masarap na adobo ang John en Marsha, ang John en Ellen naman ay masarap na sinigang ngayong 2021.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.