Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John, Ipe, Jinggoy pukpukan sa Best Actor

0 649

RODEL FERNANDO: For the first time at sa loob ng halos lagpas apat na dekada ay hindi sa sinehan mapapanood ang taunang Metro Manila Film Festival. Sampung pelikula ang mga entry this year at ramdam ang panganganay sa first ever digital release ng MMFF movies. May nagsasabi na baka hindi ito maging successful pero may mga iba naman na ang pananaw ay magtatagumpay ito.

Sa December 25 na ang umpisa ng online streaming ng mga pelikulang kalahok at ngayon pa lang ay may fearless forecast na kami. Sino nga ba ang mga mangunguna at hahakot ng awards?. For me mga ka-Cuatros may dalawang pelikula ang pag-uusapan at lilikha ng ingay hindi lamang sa award kundi sa kita na rin. Ang tinutukoy ko ay ang “Isa Pang Bahaghari” at “Magikland”.

Puwede akong magkamali pero malakas ang kutob ko na magsa-shine ang dalawang pelikulang nabanggit. Hindi rin pahuhuli ang “Suarez.. The Healing Priest,’ ‘Pakboys Takusa’ at ‘Coming Home.’

Sure naman ako na malakas ang laban ni Nora Aunor sa Best Actress at mahigpit niyang makakalaban si Sylvia Sanchez. Sa Best Actor neck to neck ang labanan nina John Arcilla at Phillip Salvador.

Vhong sisipa sa MMFF

ROMMEL PLACENTE:Nakakatuwang malaman na tuloy pa rin ang taunang MMFF. Sa sampung pelikulang maglalaban-laban, wish ko lang na sana lahat ay kumita. Sana ay maraming bumili ng tickets.Pero ang fearless forecast ko na mangunguna o magiging top grosser ay ang entry ni Vhong Navarro na Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim. Pangbata kasi ang pelikula, isa itong comedy,fantasy,horror film na swak sa mga bata. Ang Pasko, alam naman natin ay para sa mga bata kaya for sure ang mga magulang nila ay bibili ng ticket para sa nasabing pelikula. At malakas naman ang hatak ni Vhong sa mga tao,lalo na’t araw-araw siyang napapanood sa ‘It’s Showtime.’Kaya kahit mga adults, hindi lang mga bata ay siguradong tatangkilikin ang movie ng komedyante. Ang hinuhulaan ko namang posibleng maging Best Actress ay either Nora Aunor or Sylvia Sanchez.Marami kasi sa nakapanood ng movie ni ate Guy sa advance screening nito,ang nagsasabi na magaling siya run.Pero ang isang Sylvia Sanchez, na isa ring award-winning actress . Siguradong mahusay rin siyasa pelikulang ‘Coming Home.’ Pareho tayo ka- Cuatros na Rodel ng fearless forecast pagdating sa Best Actress category. Si John Arcilla naman ang sa tingin ko ang mag-uuwi ng Best Actor trophy para sa pelikula niyang Suarez…The Healing Priest. Si Phillip Salvador,although isa siyang mahusay na aktor, sa ilang nakausap ko na nasa advance screening ng movie nila ni ate Guy, ay hindi raw masyadong nag-shine ang aktor. Mas napansin pa nga raw ang akting ni Zanjoe Marudo,na gumaganap bilang anak ni Nora.

MILDRED A.BACUD: First time in the history nga ang online showing ng mga pelikulang kasali sa MMFF. Posible rin na gulatin tayo sa ranking ng mga mangunguna at mangungulelat na pelikula. Dahil virtual baka manguna ang mga pelikulang ang audience ay millennial tulad ng movie ni Paulo Avelino.

Sabi nga ni John Arcilla nang hingan namin ng reaksyon sa new normal ng MMFF,

“I think magiging successful naman pero nasa push natin.Ang magiging problema lang naman ‘yung mga hindi teki eh.Mabilis silang ma-disappoint.Paano ito? Sa’n ako magbabayad?Pag ka ganun maraming tsetse bureche ayaw na nila.Pero ‘yung mga bata excited sila. Pero okay naman kasi may Netflix nga at marami na rin nanonood ng movies sa online streaming. Kailangan lang talaga tulungan ma-push.”

But I’m sure ang mga fan ni Nora Aunor ay magpapaturo sa nga anak o apo nila para mapanood ang pelikula ng nag-iisang Superstar, ang Isa Pang Bahaghari. Marami rin ang magiging interesado sa life story ni Father Suarez na alam naman nating may kontrobersiya. Very interesting din ang ‘Coming Home’ ni Sylvia Sanchez na balita namin ay pang-award din ang acting.

Ang bawi ng online screening ng MMFF ay palabas ito worldwide. Nasasanay na rin naman tayo sa Netflix na ganun ang tema.Malay natin, ito pa ang makatulong para makaahon ang movie industry sa gitna pa rin ng pandemya.

ROLDAN CASTRO: Bagamat maingay sina Nora Aunor, Sylvia Sanchez , John Arcilla, Phillip Salvador na masungkit ang Best Actor at Best Actress, depende pa rin sa mga hurado.

May mga taon sa MMFF na nasosorpresa tayo sa nananalo.

Kung ang judge ay pabor sa mainsteam posibleng mag-win ang ‘Isa Pang Bahaghari’ na Best Picture Pero ayon sa aming source, kung naghahanap sila ng kakaiba, posibleng humakot ng parangal ang’Magikland’.

Alalahanin din natin na nandiyan sina Iza Calzado, Shaina Magdayao at Alfred Vargas sa ‘Tagpuan’ na mahuhusay umarte. Hindi natin alam bigla silang makasingit sa nasabing major award.

Si Jinggoy Estrada rin ilang beses naging Best Actor. Malay natin magustuhan ng mga juror ang acting niya sa ‘Coming Home’.

Iisa pa lang ang napapanood naming MMFF entry. Ito’y ang ‘Isa pang Bahaghari’. Pukpukan ang labanan nina Zanjoe Marudo at Michael de Mesa pag na-nominate sila sa Best Supporting Actor.

‘Yan ang totoo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.