Abante Tonite Interactive

John Legend nag-perform nang lasing

0 200

Dedma sa kalasingan ang singer na si John Legend. Enjoy pa rin siya na nag-perform nitong November 1 sa Universal Studious sa Hollywood. Ibinahagi pa ng kanyang asawa na si Chrissy Teigen ang nakakaaliw na drunken performance sa kanyang Twitter page.

Caption niya, “John got wine drunk and sang a song at universal studios last night.

“The whole joke was supposed to be that literally no one was watching or at the stage but then he got on stage and was like ITS ME JOHN LEGEND.”

Makikita rin sa video si Chrissy na hindi na naiwasang humalakhak sa epic performance ng asawa. Nakasuot pa ang singer ng red onesie na mayroong mukha niya sa gitna.

Nagsilbi na ring date night para sa mag-asawa ang araw na iyon dahil hindi namataan ang kanilang anak na si Luna at Miles. (Ronaline Avecilla)