Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd ayaw maging diktador

0 576

Nanguna si John Lloyd Cruz sa mahabang listahan ng mga kilalang personalidad sa bansa na tumutol sa kapapasa pa lang na anti-terrorism law.

Binigkas nina Lloydie ang Pinoy version ng “The Great Dictator Speech” ni Charlie Chaplin sa kanyang 1940 film ukol sa mga diktador.

Ang pahayag ay sinalin sa wikang Filipino ni Rody Vera at ang video ay dinirehe at in-edit ni Chuck Gutierrez.

“Kinalulungkot ko, pero ayoko maging diktador. Hindi iyan ang gusto ko. Ayokong mamuno o manakop ng kahit sino,” banggit ng aktor.

Bukod sa kanya, nagsalita rin sa video sina National Artist Ben Cabrera, dating Chief Justice Lourdes Sereno, at mga journalist na sina Maria Ressa at Inday Varona.

Naroon din sina direk Joel Lamangan, Lav Diaz, Carlitos Siguion-Reyna, Bibeth orteza, at mga aktres na sin Jasmin Curtis, Agot Isidro, Iza Calzado at Glaiza de Castro.

Narinig din sina Neri Colmenares, Risa Hontiveros, Chel Diokno, Samira Gutoc, at Francis Pangilinan.

In-upload ito sa YouTube ng Voyage Studios ngayong Hulyo 6, ilang araw matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terrorism bill.

Pinalawig nito ang kahulugan ng terorismo, na ayon sa mga kritiko ay maaaring humantong umano sa pag-abuso at pagsugpo sa free speech. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.