Abante Tonite Interactive

John Lloyd bagsak ang katawan

677

Kamakailan lang ay ­umugong ang hiwalayan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Co-parenting na lamang ang estado nila para sa isang taong gulang nila na anak na si Elias.

Matapos ang hiwalayan ay muling nasilayan si Ellen Adarna nang lumabas ang video ng kanyang endorsement sa isang cosmetic clinic.

Subalit ayon sa malapit na kaibigan ni Ellen na si Beauty Gonzales, nais magbalik ng aktres hindi para bumalik sa pag-arte kundi para sa mga endorsement. Nais pa rin kasi ni Ellen na maging full-time mom.

Ngayong nagpakita na ng ­senyales si Ellen ng pagbabalik sa industriya, ang pinakahi­hintay ng lahat ay ang comeback ng ex-dyowa nito na si JLC.

Samantala, kumalat ang ­larawan ni John Lloyd dahil sa bago niyang look.
Spotted kasi ang aktor na malinis na ang itsura mula sa pagiging rugged look nito. Wala na kasi ang makapal niyang balbas at bigote at kapansin-pansin ang pangangayayat nito.

Nagtataka tuloy ang mga netizen na baka may sakit ang aktor kaya malaki ang ibinagsak ng katawan.

‘Eh baka naman naninibago lamang ang mga netizen sa itsura ng aktor dahil clean look na sya ngayon. Maaari rin na nangayayat ang aktor dahil sa hiwalayan nila ni Ellen.

Pero ang inaasahan ng ­lahat ay ang pagbabalik niya sa ­industriya. Marami na ang nakaka-miss sa halos dalawang taon niyang pamamahinga. (Ronaline Avecilla)