Abante Tonite Interactive

John Lloyd-Bea nanunukso ang tambalan

606

Kung sino man ay may pakana sa live script “That Thing Called Tadhana” reading kung saan nagsanib pwersa muli sina John Lloyc Cruz at Bea Alonzo, ang husay at galing mo, bata! Palakpakan na may kasamang sigawan para sa iyo at kung sino man ang boss mo, dapat ka niyang papurihan at may salary increase na kasunod, huh!

Parang tapos na yata ang reclusive days ni JLC. Hindi na siya mukhang ermitanyong nakatira sa kuweba at hindi naliligo, Ang itsura niyang kinagiliwan nating lahat is so back .Kung pagbabasehan ang reaksyon ng mga taong saksi sa “balik tambalan” nila ni Alonzo, kahit sa entablado pa muna, super positibo at marami ang kilig na kilig.

Best moment na captured sa special engagement nina Lloydie at Bea ay ‘yung video clip kung saan ang usapan nila ay patungkol sa kung bakit ba gustong-gusto ng mga babae si JLC.

Si JM de Guzman bilang Anthony at si Angelica Panganiban na naging si Mace ang pangunahing bida sa pelikula na meron nga bang ikalawang bahagi?

Super kuwela na marinig ang tunay na John Lloyd na tinatanong si Bea kung bakit nga maraming babae ang nararahuyo sa kanya tapos iniisa-isa ni Alonzo ang mga katangian ni Cruz. Grabe ang reaksyon na parang nanunukso laced with a lot of good feelings.

Sa personal man at sa pelikula, iba talaga ang chemistry na meron sina Alonzo at John Lloyd. Marami tuloy ang biglang nangarap na matapos ang stage reading na ito, eh magsama muli ang dalawa sa isang pangmalakasang pelikula.

Dahil kasama si direk Antoinette Jadaone sa live script reading, hindi kaya may inilulutong proyekto para sa dalawa? Ay, kaabang-abang iyan. You can never go wrong with a John Lloyd Cruz and Bea Alonzo starrer. Kapag iyan ay muling ibinalik sa pinilakang tabing, patok na patok!

Mocha epal sa Dos

Kahit pa nagpaumanhin na si Robin Padilla ng dahil sa kanyang mga ipinahayag patungkol sa ABS-CBN prankisa, hindi na mabubura pa ang katotohanan, kulang siya tamang impormasyon dahil may mga kinakana siyang walang katuturan at wala sa katwiran.

Halatang hindi siya nagsaliksik at umasa lamang sa mga balitang kataka-taka at mga bagong kababalaghan na ang nagpapakakalat ay mga bayarang uring troll.

Kung binasa niya man lang sana kung ano ang nakalakip sa quo warranto position mula sa Solicitor General’s office eh mapapagtanto niya na ang pagmamatigas niyang pagsatsat ay tunay na katawa-tawa at parang ampaw lamang.

Alam na alam na ang kanyang paumanhin, kilusang mapagpa-imbabaw. Walang sinseradad. Hindi totoo. Kung umarte itong si Robin parang minsan sa kanyang buhay, hindi niya nilabag ang batas, huh!

Ang babaing pilit na binubura ang kanyang nakalipas na nagpapaseksi sa entablado, may kuda ring dapat ang ABS-CBN ay mag-stay sa “facts”. Ang ang hanash pa, hindi dapat gamitin ang “drama card” o “api-apihan” emote dahil hindi teleserye ang nangyayari sa ABS-CBN.

Siyempre pa, hindi na naman kumikilos ayon sa kanyang ganda si Mocha. Parang wala siyang kamalayan na katatanggap lamang ng mga taga-Dos ng official communication mula sa Korte Suprema tungkol sa petisyong quo warranto.Ang kanilang mga abogado ay sasagutin ito, punto per punto, na kasama ang “facts” na kanilang mga bala para sa usaping ito.

Hiyang-hiya ako sa “talino” at pagiging “makabayan” nina Padilla at Uson.

Rhap bumigay na

Dahil sa larawang nakahubad baro at may kaakbayang lalaki, si Rhap Salazar, na ang hanash pa sa post ay “today, let us celebrate LOVE,” ang mga nakakita sa larawan niya sa Instagram, ang konklusyon may ka-man-to-man relasyon si Salazar at yes oh yes, bumigay na umano ang binata.

Bakit natin proproblemahin kung gusto na niyang magpakatotoo patungkol sa kanyang sekswal na kagustuhan at orientasyon?

Stop na ito! Pigilan niyo na ako.