Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd, Bea tuloy ang balikan

0 162

NI: VINIA VIVAR

Tuloy na tuloy pa rin ang pinakaabangang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ito ang ipinahayag ni direk Cathy Garcia-Molina nang makapanayam siya in recent digital conference.

Ayon sa box-office director, naka-line-up daw talaga sa kanya ang Bea-Lloydie movie ngayong pandemic pero hindi raw nag-push trough.

“I don’t know if I should say this but hindi naman siguro bawal. I was supposed to do talaga John Lloyd-Bea, ‘yun ang naka-lineup sa akin during the pandemic. As in ‘yun ang mini-meeting namin lagi.

“Until medyo tumatagal po kami kasi siyempre hindi namin matantiya talaga ‘yung pandemya ‘di ba? Siyempre may creative process pa ‘yan.

“Inabutan na nang hindi available si Lloydie, may mga prior commitments na siya. So na-put on hold.

“Binigyan ako ng bago (project) na ganun din, laging may problema. Kaya sabi ko itong nakaraan, mayroon po ako uli, sabi ko baka puwedeng next year na lang. Huwag na nating ipilit kung hindi talaga akma,” sey ni direk Cathy.

Aminado rin ang direktora na talagang mahirap din para sa kanya na gumawa ng movie na may social distancing.

“Kasi ako po nagsasabi sa Star Cinema, I am very open to them that I said, very honest, na it will really be very hard for me to direct ng may social distancing.”

Dagdag pa niya, “highly physical ako mag-direct. I hold them, I talk to them, I touch them. Sabi ko, ‘Paano ko ‘to i-mo-motivate ng malayo?’

“I talk to my cameramen. Ako gusto ko sama sama yung staff pag kumakain kami. Tapos one seat apart. Hindi ko kayang i-figure out sa utak ko po talaga.”

Kaya saludo raw siya sa mga direktor na kayang gumawa ng project sa panahon ngayon ng pandemic.

Naniniwala si direk na matutuloy pa rin ang movie nila nina Bea at Lloydie at excited na nga raw siya.

“Sana po. Excited na rin ako, na-miss ko na rin si John Lloyd Cruz,” sambit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.