Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd dedma kina Ellen, Derek

0 150

NI: ARCHIE LIAO

Sa kasagsagan ng usapan ukol sa pagmamabutihan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, maraming tsismosa ang nagtatanong kung ano raw kaya ang magiging reaksyon ng mga ex nilang sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Katunayan, sa mala-rigodon nga nilang relasyon, ginawan pa ng matrix ng ilang naughty netizens ang kanilang mga love life.

Sa pag-amin ni Derek na si Ellen na ang “the one”para sa kanya, nagulantang naman ang mga netizen sa ginawang Facebook post ni John Lloyd Cruz .

Clean cut ang image nito dahil nagpagupit ng buhok.

Hanggang tenga rin ang kanyang ngiti.

SM food to go Banner Ad

May caption pa itong: “Choose to be happy”.

Umani ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen.

Sey nila, dedma lang ba si John Lloyd sa relasyon nina Ellen at Derek o aprub sa kanya ang bagong karomansa ng ex.

After all, Tito Derek na ang tawag ng anak niyang si Modesto Elias kay Ramsay.

Hirit naman ng iba, ang fresh look daw ng actor ay paghahanda sa kanyang bagong proyektong gagawin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.