Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd, Derek walang isnaban

0 44

Ayon kay Derek Ramsay ay okay na okay daw ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz at wala raw anumang problema sa pagitan nila.

Sa panayam kasi ni Nelson Canlas sa kanyang podcast ay tinanong niya ang mag-asawa kung kumusta ang relasyon ng mga ito sa isa pang magulang ng kani-kanilang anak.

As we all know, si Derek ay may binatilyo nang anak na si Austin habang si Ellen naman ay may anak kay Lloydie- si Elias na maga-apat na taon na.

Ayon kay Ellen ay hindi raw niya nakakakusap ang mommy ni Austin at paliwanag ni Derek ay nasa ibang bansa raw kasi ito.

“With regards naman to the mother of Austin and Ellen, she’s in another country, so there’s no opportunity for them to talk,” ani Derek.

Kay Lloydie naman, kapag sinusundo raw nito si Elias sa kanilang bahay ay humaharap din siya para batiin ito.
“He picks up Elias here, so when he’s here and I’m here, I go out to greet him when he comes to pick up Elias or whether he drops Elias here in the house. So, numerous times na,” sey ng aktor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkaroon na rin daw sila ng man to man talk ni Lloydie regarding Elias.

“He knows how much I respect the father of Elias, I told him that myself and he sees naman din also that how much I love Elias like he’s my own.

So, there’s respect there. Wala kaming problema on that side,” he said.

Nang matanong naman kung ano ang kanilang love language, sagot Ellen, “mine’s physical touch and quality time. His is words of affirmation.”

Nailalabas daw nila ang kanilang love languages pag nag-aaway sila.

Natanong din kung paano madadagdagan ang family nila gayung lagi nilang katabi si Elias, natatawang sabi ni Ellen na nagkakaroon naman daw sila ng oras ni Derek kapag na kay Lloydie ang bagets.

Leave A Reply

Your email address will not be published.