Abante Tonite Interactive

John Lloyd ‘di nakilala ni Digong

759

Ni Ronaline Avecilla

Sa halos dalawang taong pamamahinga ni John Lloyd Cruz sa showbiz ay malaki ang ipinagbago niya. Malayong-malayo sa dating Popoy na kinakiligan ng lahat.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagpapahaba niya ng buhok at balbas. Maging ang presidente ng bansa ay napansin ito.

Kabilang kasi si John Lloyd sa mga celebrities na naimbitahan sa isang dinner sa Malacañang nitong Martes.

Inilarawan ni Pres. Digong ang itsura ni John Lloyd sa kanyang speech nitong Biyernes sa Davao.

Aniya, “Nakita ko siya sa party ng Malacañang. Hindi mo na siya makilala. Nagpatubo ng bigote’t balbas, nagpahaba ng buhok.”

Ikinuwento rin ni Digong na sinabi niya ito sa anak niya na si Baste na dati na ring nanligaw sa aktres na si Ellen Adarna.

Si Ellen ay ang girlfriend at ina umano ng baby nila ni JLC.

Samantala, pinuri naman ni Digong si Ellen. Aniya, “‘Yung totoo, walang biro, isa siya sa mga nakita ko na magandang mestisa na Pilipina. Maliit na babae pero maganda ang katawan.”