Abante Tonite Interactive

John Lloyd dinaan sa kanta ang hiwalayan kay Ellen

775

“Kay bilis maglaho ng kahapon.” Ito ang paha­yag ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram post last Wednesday night na tila tumutugma sa latest issue ngayon sa kanya na diumano ay hiwalay na sila ni Ellen Adarna.

Nag-post si Lloydie ng larawan ng speaker sa loob ng bahay, kung kaninong bahay, hindi namin alam, at sa caption, he wrote, “From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan).”

Ang “Nosi Balasi” ay kanta ni Sampaguita at ang “Minsan” naman ay mula sa Eraserheads kung saan ay may linyang “kay bilis maglaho ng kahapon”.

Mukhang sa kanta na lang inilarawan ni Lloydie ang naging relasyon nila ni Ellen although of course, eversince naman ay wala siya talagang kinukumpirmang kahit ano pagdating dito.

Dalawang taon na ring naghihintay ang lahat sa anumang pahayag na manggagaling kina Lloydie at Ellen at walang nakakaalam kung mangyayari pa ito.

Tetay nagselos kay Roxas

Laman ng mga balita ngayon both online and print ang pagso-sorry ni Kris Aquino kay dating Senador Mar Roxas sa 36th death anniversary rites ni Ninoy Aquino na ginanap sa Manila Memorial Park.

Marami ang bumilib kay Kris sa pagpapakumbaba niya, gayundin kay Mar for being a gentleman dahil makikita sa video na hiyang-hiya rin siya habang nagso-sorry si Kris.

‘Yun nga lang, parang hindi naman kami makapaniwala na selos ang dahilan kung bakit siya nagalit kay Mar.

“I’m sorry for everything that happened. Nagselos ako because I felt Noy chose you over me. I hope we can let bygones be bygones,” sabi ni Kris kay Mar.

Parang nakakatawa lang ‘yung nagselos pala siya. Pero knowing Kris na minsan ay hindi naman seryoso sa mga sinasabi, tanggapin na rin natin.

Ang hinihintay ng lahat ngayon ay kung magso-sorry rin si Kris sa asawa ni Mar na si Korina Sanchez. Matatandaang nagalit siya sa broadcaster nang i-guest nito ang ex-husband niyang si James Yap sa “Rated K” last year.

Dahil dito ay matatandaang binanatan talaga ni Kris si Korina matapos maere ang nasabing guesting.

Masabi rin kaya ni Kris kay Korina na “let bygones be bygones?”

Dennis ayaw ipakitang nasasaktan kay Jennylyn

Isang araw pa lang naia-upload ni Jennylyn Mercado sa kanyang YouTube channel ang pag­lalagay niya ng tattoo sa boyfriend na si Dennis Trillo, umani na agad ito ng mahigit sa 200 thousand views.

Makikita sa video na si Jen mismo ang naglalagay ng permanent tattoo kay Dennis at tawa kami nang tawa sa reaksyon ng aktor na kahit napapangiwi na minsan sa sakit ay nakangiti pa rin. Hindi pinapakita sa girlfriend na nasasaktan siya.

Mabuti na nga lang at simple lang ang design na napili ni Jen na pusa since cat lover siya. Sa video ay nakita kung gaano ka-supportive talaga si Dennis sa mga gustong gawin ng girlfriend. Walang maha­nap si Jen na taong puwede niyang lagyan ng tattoo kaya siya na lang ang nagprisinta. To think na ang dami na niyang tattoo.

Kapag tinatanong ni Jen kung “masakit ba, love?” ay panay naman ang sagot niya ng “hindi naman” though alam naman nating masakit tala­gang magpalagay ng tattoo.

Pero nakakatuwa rin naman ang sweetness at paglalambing ni Jen sa boyfriend habang nilalag­yan niya ito ng tattoo na may pahalik-halik pa at panay ang tawag ng “love” at “baby” kay Dennis.

Ang daming pumu­ring netizens sa dalawa sa comments section at sey pa nila, ang cute raw ng DenJen.

(Vinia Vivar)