Abante Tonite Interactive

John Lloyd direktor na

0 469

Kung si Ellen Adarna ay nagbabalik bilang endorser, pagiging direktor naman ang bagong tinahak ni John Lloyd Cruz.

Ito na kaya ang bagong karera na pipiliin ni JLC sa kanyang pagbabalik?

Nagdirihe umano si JLC ng isang music video para sa awiting “Saturnine Nevermore” ng grupong Sugar Hiccup.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinubukan niyang magdirihe. Bukod pa rito, siya rin ang kumuha ng mga shot na siyang ginamit sa music video.

Ang kanyang pangalan na ginamit ay “Idan Cruz” na dati niyang naging palayaw.

Mapapanood ang music video sa YouTube at positibo ang naging reaksyon ng mga netizen. Masaya sila para sa aktor at baka ito na umano ang kapalaran niya. (Ronaline Avecilla)