Abante Tonite Interactive

John Lloyd–Ellen December 23 ikinasal

353

tonite-imo-vinia-vivarSa latest Facebook post naman ng movie reporter-cum-talent manager/comedian na si Ogie Diaz ay tinatanong niya kung totoo ang nakarating na balita sa kanyang ikinasal na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna last Dec. 23.

“Ikinasal na daw sina Ellen at JLC nung Dec. 23 kasabay ng binyag ng anak nila? True ba?” ang tanong/post ni Ogie at nilagyan ng mga hashtags na #HappyForThem at #IfTrue.

Siyempre, wala namang ibang makakapagkumpirma niyan kundi sina Lloydie at Ellen mismo na hanggang ngayon nga ay hindi pa rin kinukumpirma na may anak na sila at talagang nananahimik na sila noong mag-leave sila sa showbiz.
***

Coco, Julia hiwalay na sa Instagram

Tila hindi naman apektado ang mga fan nina Coco Martin at Julia Montes (CocoJuls) sa inilabas ng isang online site na nag-unfollow na raw ang isa’t isa sa Instagram.

Ayon sa isang fan, isang taon na raw na nag-unfollow-han sina Coco at Julia sa isa’t isa at mukhang okay lang naman sa kanila. In fact, suportado pa rin nila ang dalawa sa kani-kanilang projects.

Tulad nga ngayong may MMFF movie si Coco, panay ang promote nila ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Sobrang inaabangan na rin nila ang upcoming teleserye ni Julia ngayong 2019.

May nabasa naman kaming comment na good for them kung tala­gang to each his own na sila dahil ano raw bang klaseng relasyon ito kung hindi naman nila maamin sa publiko.

May nag-comment din na Julia deserves someone better and vice versa.

May nagbiro nga na nag-break na’t lahat ang dalawa at nag-unfollow na sa Instagram pero ang FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi pa rin tapos.

***
Tinabla ni Yaya Dub

Sa huling post ni Maine Mendoza for the year 2018, inanunsyo niyang naka-move on na siya sa mga toxic na tao at nagpasalamat sa lahat ng blessings na ibinigay sa kanya ng nagdaang taon.

“2018, you have done me so well. Took all the lessons learned from my mistakes and difficult times last year to make 2018 one of the best, most memorable years yet.

“I am happier now than I have ever been and am incredibly blessed with so many wonderful things – from the very start of the year until today. Couldn’t be more grateful for eve­rything!

“I am just so so glad to have finally moved on from the toxic energy and people that used to drain me – the best realisation and resolution still. Cheers to a great year! And may we always find the courage to let go of what’s weighing us down. Hoping 2019 is even more exciting and fruitful for all of us. Happy New Year, everyone!” ang post ni Maine last Dec. 31 bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa bandang ibaba ay nagpahabol pa siya ng isang quotation.

“Don’t stay where you are needed. Go where you are loved.” – Lang Leav,” ang dugtong pa ni Maine.

May ilang netizens na binash pa rin siya sa pagkaka-link kay Arjo Atayde at may nagpalagay naman na ang ibig sabihin ng post ni Maine ay kinakalimutan na nito ang AlDub fans.

Bandang huli, sila-sila ay nagsagutan sa comments section.(Vinia Vivar)