Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd, Ellen ‘di compatible

0 89

Sa panayam sa kanya sa Preview.ph, inamin ni Ellen Adarna ang dahilan ng paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz.

Aniya, siya umano ang nagkulang sa aktor kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng aktor.

“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” aniya.

Dagdag pa niya, dumanas daw siya ng matinding depresyon nang manganak siya .Nadagdagan pa ito sa pagpanaw ng ama.

“I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship—tough love, but father pa rin,” lahad niya.

Naayos lang daw ang lahat nang sumailalim siya sa isang healing program o therapy sessions .Na-realize din niya na hindi sila para sa isa’t isa ni Lloydie.

“Like his approach to me, my relationship changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem,” paliwanag niya.

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, sinikap daw niyang maituwid ang lahat . Ito ay para sa kapakanan ng kanilang anak na si Elias Modesto na kailangan ang ama habang ito ay lumalaki.

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Ellen at John Lloyd matapos mapagpasyahan ng aktor na iwan ang kanyang buhay showbiz. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki.

Leave A Reply

Your email address will not be published.