Abante Tonite Interactive

John Lloyd at Ellen, magpapagawa ng bahay?

By
5,714

Tila magpapagawa na ng bahay sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna base na rin sa kani-kanilang Instagram posts last Wednesday.

Nag-post ang dalawa na identical photo sa halos magkasabay na oras. Larawan ito ng isang bakanteng lote with mountain view pero wala namang nakalagay na location kung saan.

Sa caption ni Ellen, she wrote, “our future view.”

Caption naman ni Lloydie, “mine. yours.”

May isa pang larawan na ipinost si Lloydie na halos ganu’n din at iba lang ng anggulo pero same place. Nilagyan naman niya ito ng caption na “my view is my empire.”

Halos lahat ng followers nila ay iisa ang hinala na doon nila ipapatayo ang kanilang magiging tahanan at bubuo ng pamilya. Marami rin ang bumati sa kanila at nagsabing excited na ang mga ito para sa future nilang dalawa.

Direk Maryo planong bigyan ng blockbuster film si Yul Servo

Hindi mapigilan ni Congressman Yul Servo ang mapaiyak nang makapa­nayam namin sa 2nd night ng wake ng manager, mentor at discoverer niyang si Direk Maryo J. delos Reyes.

Tulad ng mara­ming taga-showbiz, ikina-shock din ni Yul ang big­laang pag­yao ni Direk Maryo noong nakaraang Sabado, Jan. 27 habang nasa Dipolog ito para dumalo sa isang pagdiriwang.

“Pakiramdam ko, parang hindi totoo. Parang sana fake news na lang, sana panaginip lang,” he said.

Napakarami raw nilang pinagsamahan na dalawa. Halos kalahati raw ng buhay niya ay nakasama niya ang direktor/manager. Taong 1998 nang ma-discover siya nito at naging parang pangalawang ama na niya ito since then.

“Siya naging guide ko sa lahat-lahat, para mapagtagumpayan ko ang mga pangarap ko sa buhay. Pati nga itong pagpasok ko sa politika. Hindi ko naman mararating ito kung hindi niya ako pinayagang tumakbo,” aniya.

Ang dami pa raw sana nilang plano ni Direk Maryo at isa na rito ay bigyan daw siya ng blockbuster film.

“Sabi niya, ‘puro ka na lang Best Actor, dapat bigyan naman kita ng pang-blockbuster na pelikula.’ ‘Yun na lang ang kulang niya raw sa akin para maging ano raw ‘yung career ko.”

Pinaka-mami-miss daw niya sa manager ay ang samahan nilang dalawa at ang mga tawa nito.

 “Siya lang ang may tawang ganu’n. Hindi ko na maririnig ang mga tawa niya. At ‘yung mga pagga-guide niya sa akin. Sa mga problema ko, sa kanya, lahat mayroong solusyon.

“Kaya sa 20 years, maski anong klaseng problema ang dumaan sa akin. . .kaya ano, parang wala,” sabi ni Cong na hindi na napigilang maging emosyonal.

Alam ni Yul that life has to go on kahit masakit. Nagpapasalamat naman daw siya at kukupkupin siya ni June Torrejon-Rufino na kaibigan ni Direk Maryo. Ito na raw ang magiging ma­nager niya ngayon.

 “Kung si Direk ang tatay ko, siya (Tita Junne) naman ‘yung nanay ko,” ani Yul.

Pero kahit wala na si Direk Maryo J, ang mga natutunan daw niya rito at lahat ng mga pangaral nito ay dadalhin niya kahit saan siya makarating.

 “Lahat ng natutunan ko sa kanya, hind ko lang ia-apply sa akin kung di ma­ging sa mga anak ko,” sambit niya.