Abante Tonite Interactive

John Lloyd-Ellen nagpapagawa ng mansyon sa Cebu?

By
2,437

Isang kaibigan namin from Cebu City ang nagkuwento na kumpirmado ngang nanganak na si Ellen Adarna.

Usap-usapan nga ito sa naturang lugar lalo pt nakikita raw si Lloydie na siyang hands on sa pagbili ng mga gamit ng baby at pag-asikaso sa partner nito.

Although madaling dinenay ni Lloydie ang napabalitang binyag ng anak, pero merong umiikot na tsika na simpleng seremonya lang ang nangyari.

Mga kaanak umano ni Ellen at ‘yung mga “tunay” na kaibigan umano nila ang nakasama.

Ayon pa sa aming kausap, isang bonggang-bonggang “mansion” ang ipinapatapos ngayon ng kaanak ni Ellen sa Cebu. Ito’y matatagpuan sa isang very private subdivision. At ang tsismis, para nga raw ‘yun kina Lloydie at Ellen?

Xian hubad sa dugout

Bongga naman ang first outing ni Xian Lim bilang manlalaro ng Mandaluyong team sa MPBL.

Hindi man ito babad na babad sa paglalaro, quality minutes naman daw ang nagawa nito at nai-contribute sa kanyang koponan. Nakatulong ang kanyang 6 points at 5 rebounds para tambakan nila ang kalabang Pasig team.

And yes, kay Xian nga rin inia-attribute ang pagkakaroon ng bonggang crowd attendance kaya’t sa susunod daw na laro nito, asahan daw nating mas mabibigyan ito ng maraming oras.

And maybe then, makapunta na at makapag-cheer para sa kanya si Kim Chiu.

Samantala, pinabulaanan naman ng mga kasama ni Xian ang tsikang nag-inarte ito dahil may bitbit itong sariling alalay sa loob ng dugout kung saan naliligo at nagbibihis ang lahat ng mga player.

Sey ng mga ito, “he is your regular guy. Sa ganung kalakaran, walang arti-artista. Kaya kung nagkalat silang mga players dun ng nakahubad, ‘yun ang eksena. Medyo mas strict nga lang sa merong mga phones o gadgets dahil siyempre, dapat may privacy dun.”

Ay talbog, ‘di ba Roldy?

Ara, Vina isnaban?

Bakit kaya walang maniwala sa naging matapang at mapangahas na sagot ni Ara Mina sa tanong ni Kuya Boy Abunda kung meron nga itong “inagaw” na karelasyon, gaya ng sinasabi ni Rina Navarro?

Ang sapantaha ng marami, marahil ay nakakuha ng kakampi si Ara sa isang Gina Magat na nag-aakusa naman ng unang pang-aagaw umano kay Rina.

Kinampihan ni Vina Morales si Rina sa pagbubulgar nito ng name ni Ara. Magkatrabaho sa ‘Araw Gabi’ sina Ara at Mina, kaya’t tila extended outside their taping sked ang mga aktingan nila lalo pa’t hindi naman mga artista sina Rina at Gina.

Nag-iisnaban kaya ngayon sina Ara at Vina sa taping?