Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd handa nang ‘mabugbog’

0 451

NI: ARCHIE LIAO

Kilala si John Lloyd Cruz na pa-low profile pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Hindi rin siya iyong tipo ng aktor na mahilig sa social media.

Sa pagla-launch sa kanya bilang bagong contract artist ng Crown Artist Management ni Maja Salvador, inilunsad din ang kanyang official FB account.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pag-aadjust niyang ito, naninibago ang kibitzers.

Sey nila, bentahe ang pagkakaroon ng actor ng social media account dahil sa ganitong paraan maa-update niya ang kanyang mga tagahanga sa kanyang mga proyekto.

Sa kabilang banda, may disadvantage rin daw ito dahil binibigyan ng actor ang netizens na ma-bash o ‘mabugbog’ siya maliban na lamang kung may social media manager ito.

Kamakailan naging viral ang first post ni Lloydie sa kanyang Instagram account na may caption na Good Vibes is real.

Leave A Reply

Your email address will not be published.