Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd inamin ang pagkukulang sa mga ex

0 73

Inamin ni John Lloyd Cruz na may mga pagkukulang din siya sa kanyang mga naging girlfriend kaya hindi sila nag-end up together.

Sinabi ito ng aktor sa kanyang exclusive interview with Jessica Soho na Kapuso Mo, Jessica Soho aired last Sunday.

Tinanong kasi ni Jessica kung bakit sa pelikula ay nakakatuluyan nito ang mga leading ladies pero sa totoong buhay ay kabaligtaran dahil nga sa nagkakahiwalay sila ng kanyang mga nakakarelasyon.

“Naku, mahirap sagutin ‘yung bakit,” natatawang sabi ni Lloydie. “Pero ang maganda du’n is totoo ‘yung buhay ko. Hindi siya buhay ng isang pelikula lang.”

Dagdag niya, “mailap nga. Sana alam ko ang sagot. Definitely, it takes two to tango. Definitely, nagkulang ako sa bawat pagkakataon, sa bawat isa sa kanila. Kung hindi naman talaga nararapat, eh ba’t natin ipipilit? Baka hindi pa siguro rin akma.”

Open book naman ang love life ni Lloydie. Ilan sa publicized relationship niya ay sina Kaye Abad, Ciara Sotto, Liz Uy, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Ruffa Gutierrez at ito ngang huli ay si Ellen Adarna.

Ruffa feeling dyowa ni Bistek

SM food to go Banner Ad

Speaking of Ruffa na talk of the town ngayon dahil hinihinalang siya ang bagong girlfriend ni Herbert Bautista, nagbigay ng mensahe ang aktres para sa mga Marites sa kanyang social media accounts.

Bukod dito, tila sagot na rin ni Ruffa sa issue ngayon ang mga pahayag niya tungkol sa privacy.

Aniya ay hindi raw lahat ay dapat i-share sa publiko at genuinely happy raw siya ngayon.

“Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY. Everything isn’t meant to be on display. It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you. I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY. 💕 ❤️

“Good morning everyone, especially sa lahat ng Maritess! 💁🏻‍♀️😅
See you on @itsshowtimena,” ang pahayag ni Ruffa.

Matatandaang ibinuking ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na may bagong girlfriend si Bistek. Timing naman si Ruffa ang nali-link lately sa aktor/politiko kaya siya ang pinaghihinalaang tinutukoy ng una.

Nakadagdag pa nga sa espekulasyon ang pagtalak ni Ruffa sa administrator ng Twitter account ni Bistek. Para nga naman kasing girlfriend ang aktres kung makasita sa admin ng aktor/politiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.