Abante Tonite Interactive

John Lloyd laos na

926

ROMMEL PLACENTE: Magbabalik-pelikula na raw si John Lloyd Cruz. At ito ay ang reunion movie nila ng dating ka-love team na si Bea Alonzo, na ang magiging direktor ay si Cathy Garcia-Molina.

Ang tanong ng iba, lalo na ng detractors ni Lloydie, may babalikan pa raw ba siya? Kikita pa raw ba ang pelikulang gagawin nito gayung laos na raw ang aktor?

Sa ganang amin, hindi naman tuluyang nalaos ang isang John Lloyd. Kahit hindi siya naging visible sa telebisyon at pelikula sa loob ng almost 2 years mula nang mag-decide siyang mamuhay na muna bilang isang ordinaryong tao sa piling ni Ellen Adarna. Kung talagang laos na siya, na kinalimutan na ng publiko, dapat ay hindi na siya pinag-uusapan ‘di ba?

Pero dahil sa ang hitsura niya ngayon ay hindi na ganu’n ka-fresh gaya ng dati at sinasabing mukhang ermitanyo na, hayan at pinapansin pa rin siya ng publiko, pinag-uusapan pa rin siya.

Marami pa rin ang interesado at nagmamahal sa kanya. Kaya naniniwala kaming makakabalik pa rin siya sa showbiz at tatangkilikin pa rin ang pelikulang gagawin nila ni Bea. ‘Di ba mga ka-Cuatros?

RODEL FERNANDO: John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz! Definitely may babalikan siya. In fact, marami na sa kanyang mga tagasubaybay ang tiyak na inaabangan na ang kanyang pagbabalik-showbiz.

‘Yung sinasabing mukhang ermitanyo o nagbago na ang hitsura niya ay madali na magawan ng paraan iyan. Nandoon pa rin naman kasi ang kaguwapuhan niya sa kanyang mukha. Nakakatanda lang ‘yung hairstyle niya ngayon na kung aayusin at gawing clean cut ay manunumbalik ang dating freshness niya.

Tama lang na sa pelikula siya bumalik at huwag sa teleserye. Siguradong magiging big hit ito at sana rin ay kay Bea nga siya itambal.

Related Posts

Pero kung kay Sarah Geronimo ay puwede rin naman at may chance na kikita rin. Sana nga ay totohanan na ni Lloydie ang pagbabalik-showbiz niya. Huwag na siyang magpatumpik-tumpik pa, baka darating ang araw makalimutan na siya ng publiko.

MILDRED BACUD: Depende ‘yan sa pulso ng masa mga ka-Cuatros. Siyempre gusto naman nating makabalik siya. Ang tanong lang, katulad pa rin ba ng dati ang magiging pagtangkilik sa kanya ng mga fan?

Ungrateful kasi minsan ang showbiz. Minsan ang naiambag mo, ganu’n na lang kadaling kalimutan. Lloydie left showbusiness at the peak of his career. Sa pagkawala niya, marami naman ang umusbong na mga promising star like Joshua Garcia na nakukumpara pa sa kanya. Tuluyan na ring umarangkada pa ang career ni Alden Richards na nakukumpara din sa kanya. Marami rin kasing sumama ang loob sa naging desisyon ng aktor na basta na lamang iwan ang showbiz.

Oo, sure ako na nandu’n pa rin ang husay niya bilang aktor, pero ang tanong nga, buo pa rin ba siyang tatanggapin?

RONA AVECILLA: Sulitin na niya ang pagkakataon habang pinag-uusapan pa siya ng mga tao. Hindi basta-basta ang naiambag niya sa industriya. Pero siyempre kung babalik siya, malaking tulong kung si Bea ang makakatambal niya. Magandang simula ito para sa kanilang dalawa, lalo na at alam ng madla na parehas na silang hiwalay sa mga kasintahan nila.

Tiyak muli na namang mabubuhay ang Bea-John Lloyd love team. Ito na ang pagkakataon nilang dalawa para muling pabagain ang tambalan nila.

Sana this year ay muli nang magbalik ang aktor dahil masyado nang matagal ang dalawang taon na pamamahinga niya. Maraming fan ang naghihintay sa pagbabalik ni Popoy kasama si Basha.