Abante Tonite Interactive

John Lloyd magbabalik na sa showbiz

0 2,439

tonite-imo-vinia-vivarMagbabalik na ba si John Lloyd Cruz sa showbiz? Ito ang tanong ng mga netizen magtapos mag-post kahapon ang handler ng Star Magic na si Nenette Rustia ng larawan nila ng aktor kasama si Maja Salvador.

Bagama’t hindi malinaw kung kailan kinunan ang larawan, mukhang bago naman ito dahil same ang hairstyle ni Lloydie sa mga recent sighting sa kanya na napo-post din sa social media.

Sa caption ay nakalagay na nagpapasalamat ang handler kay Lloydie for keeping in touch at sana raw ay maging madalas na ang kanilang pagkikita.

Sa comment section ay napakaraming netizen ang natuwa sa mu­ling paglitaw ni Lloydie at ang iba’y may feeling na baka magbabalik na ang aktor.

“Mukhang may pagbabalik ng magaganap nag-paparamdam na @dumpsitegallery excited na kami …” komento ng isang netizen.

Ang iba nama’y hinu­hulaang baka may project nang gagawin si Lloydie with Maja since nasa la­rawan nga rin ang aktres.

Ang dami ring komento na nami-miss na raw nila si Lloydie at sana nga raw ay bumalik na ito sa pag-arte.

More than one year na ring nakabakasyon si Lloydie sa showbiz kaya naman marami na talaga ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik.

***

Marvin nagpaandar kay Jolina

In fairness to Marvin Agustin, hindi naman siya nakakalimot sa dati niyang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Jolina Magdangal kahit pa nga ba may kanya-kanya na silang buhay.

Nag-post siya ng napakagandang birthday message para kay Jolens in his IG account bilang pagbati sa kaarawan ng aktres kahapon (November 6) at “labtim” pa rin ang tawag niya sa dating kapareha.

“Happy birthday labtim!!! I know how happy you are already and you deserve all the beautiful blessings you enjoy. Ang mababait, pinagpapala at nagtatagumpay talaga.

“Isa ka sa mga mase-swerteng 40 years old sa buong mundo, youve achieved so much in life without looking like you aged at all. Parang chuvachuchu padin ang dating mo sakin, babe na babes ka padin sa paningin ko at pwede ba… #labskitaokeykalang as my labtim forever?

“Enjoy your amazing day! Balitaan mo ako ano feeling ng 40 years old ok?” ang mensahe ni Marvin kay Jolens kasama ang old picture nilang dalawa.

Hindi pa nakuntento, maya-maya ay nag-post ulit ang aktor ng throwback photo nila ni Jolens na sey niya sa caption, taken 22 years ago pa.

“Birthday mo naman labtim, todo na natin ang throwback! This was during our shoot of #Flames The Movie in Batangas. Grabe that was 22 years ago,” caption ni Marvin.

Pero siyempre, pahuhuli ba naman ang asawa ni Jolens na si Mark Escueta? Nag-post din ang Rivermaya front man sa kanyang IG page ng kanyang pagbati sa ika-40 kaarawan ng misis.

“Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng buhay at pamilya na higit pa sa panaginip. Wala na akong mahihiling pa.
“Happy happy 40th birthday mahal. Thank you so much for everything. Mahal na mahal ka namin habangbuhay, at araw-araw,” ang birthday greetings naman ni Mark.

***

Rayver mahilig magpalibre kay Kris

In her latest IG post, inamin ni Kris Bernal na hindi pa rin siya makapaniwala na leading man na niya ang kanyang idol na si Rayver Cruz sa serye nilang ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ sa GMA-7.

Dati raw kasi ay pinapanood lang niya sa TV si Rayver pero ngayon ay katrabaho na niya at leading man pa.

“Hey Rayver! It’s funny how I used to just watch you in tv and now I get to work with you as my leading man! WHOA!
“It hasn’t sunk in yet!! So, whenever I call you “IDOL”, I mean it! Always grateful to have the opportunity to meet and work with amazing people!

“(P.S. Behind that pretty face is a SUPER KENGKOY guy, so much like Rodjun, and mahilig sa “Libre ka naman Kris”) Bwahahaha! Peace bro!” ang caption ni Kris sa larawan nila ni Rayver.

Natatawa namang sumagot ang aktor.

“Hahahaha grabe Ikaw ang idol ko!!! Mabait na magaling pa dami pang dalang pagkain hahaha! Thanks krisss Kitakits bukas!!!” sagot ni Rayver.

Base sa kanilang palitan ng mensahe, obvious na close na close na’t sobrang kumportable na ang dalawa sa isa’t isa.