Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd nabantilawan ang balik-TV

0 159

Itinuring na main event noong Hunyo ng Kapuso network ang pagbabalik sa telebisyon ni John Lloyd Cruz sa Wowowin ni Willie Revillame to promote an online shopping app.

Katunayan, winelcome pa nga ang actor ng ilang Kapuso actors na excited na makatrabaho si Lloydie.

Um-attend din noon ang tumatayong manager ni John Lloyd na si Maja Salvador

bilang suporta sa aktor.

Naibalita rin noon ni Willie na balak niyang ipagprodyus ng sitcom ang actor kasama si Andrea Torres.

Pero kasabay ng napabalitang ayaw na ni Willie ituloy ang sitcom dahil may ibang pagkakaabalahan ito.

Related Posts

Sighted din noon si John Lloyd na kasama ang presidente at CEO Carlo Katigbak ng ABS-CBN.

Fast forward, after a grand Kapuso welcome, abangers ang mga faney kung ano na raw ba ang estado ng karera ng aktor kahit pa isiniwalat noon ni Karen Davila na nasa Siyete na ang aktor.

Wala pa rin kasing nababalitang proyekto si Lloydie maliban sa ginawa nitong indie movie.

Hirit tuloy ng kibitzers, ‘nabantilawan’ o tuluyan na raw bang naudlot ang pagbabalik sa limelight ng actor.

Maging ang Crown Artist Management Agency ni Maja ay silent na rin tungkol sa mga plano nila kay Lloydie.

Well, abangan na lang natin. Baka bigla tayong magulat na pasabog na pala si JLC. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.