Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd naluha sa balik-showbiz

0 487

Naganap na nga kahapon ang pinakaabangang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa telebisyon at ito ay ang special guesting niya sa Shopee 6.6. Midyear Sale event na ginanap sa Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.

Tinutukan ng mga televiewers ang pagbabalik ni Lloydie at nag-trending topic ang kanyang pangalan sa Twitter.

Napakainit ng pag-welcome ng host/producer na si Willie Revillame sa aktor na kumanta muna ng Yakap na talaga namang akmang-akma ang lyrics sa kanya.

Sa pag-uusap nila ni Willie after his performance ay kitang-kita na na naging emosyonal si Lloydie at halatang pinigilang maiyak.

“Ang galing mo. Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang, lahat ng GMA artist gusto kang makasama sa isang pelikula,” ani Willie.

“Welcome back sa industriyang kung saan ka nagsimula at alam kong dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz,” saad pa ni Willie.

In-acknowledge rin ni Willie ang manager ni Lloydie na si Maja Salvador na naroroon din sa audience kasama ang boyfriend na si Rambo Nunez.

Sa huli ay inanunsyo ni Willie na magsasama sila ni Lloydie sa isang primetime show.

“Abangan n’yo po ‘yan dito sa GMA-7,” sambit ni Willie.

Nang tanungin ng TV host si Lloydie kung handa na ba itong umibig muli, sagot ng aktor, “handang-handa na!”

@@@

Meg todo kayod sa pandemya

Tahimik at chill lang si Meg Imperial ngayong pandemic pero take note na hindi naman siya nawawalan ng project. Ang serye niyang Ikaw ay Akin sa Net 25 ay nag-finale episode na pero bago ito ay napanood din siya sa Huwag Kang Mangamba ng ABS-CBN bilang young Deborah (Eula Valdez).

Masaya naman si Meg na naiikot niya ang iba’t ibang network at sey nga niya sa latest interview niya, of course, kung saan daw may trabaho ay doon siya.

“Kung saan mas maraming opportunities, du’n tayo kasi of course, especially now, may pandemic, so priority natin is to have income and to work. And I’m happy naman na nakakapagtrabaho ako sa iba’t ibang istasyon, mas marami akong nakikilang tao, mas marami akong nagiging kaibigan,” sey ni Meg.

Bagama’t inamin din ng aktres in her past interviews na talagang nagkaroon din siya ng depression at the start of pandemic, sinikap niyang makawala rito at nag-focus sa sarili at kung paano makapag-adapt sa changes.

Good thing, happy naman ang aktres sa kanyang love life at may special someone siya right now.

Todo bigay rin siya sa trabaho dahil may ginagawa siyang pelikula kasama si Tom Rodriguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.