Abante Tonite Interactive

John Lloyd napagkamalang fan ni Bea

0 711

Mabilis na nag-viral at pinag-usapan ang la-rawan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na magkasama sa Palawan.

Ipinost ng isang fan ang larawan niya na kasama sina Bea at Lloydie sa Barotuan Church sa Palawan last Tuesday at makaraan lang ang ilang oras ay hot topic na ito sa internet.

Walang eksplanasyon kung bakit magkasama sina Lloydie at Bea sa nasabing larawan at kung kailan ba talaga eksakto ito nakunan although mukha naman talagang recently lang dahil sa “ermitanyo look” pa rin na hitsura ng aktor.

Sapat na ito para magkagulo ang fans ng dating magka-love team. Sari-sari ang kanilang reaksyon sa thread at halatang na-miss nila ang love team dahil sumi-sigaw sila ng reunion project.

As usual, ang ibang netizens ay binabatikos pa rin ang hitsura ni Lloydie na mukha raw marumi at dugyot tingnan.

Actually, sa nasabing larawan, wala na talaga kaming makitang trace ng pagiging artista ni Lloydie or to be blunt, hindi na siya mukhang artista. Ordinaryong tao na lang ang dating niya, simpleng-simple ang suot na naka-walking shorts at polo.

Habang si Bea naman ay artistang-artista ang dating at kung ‘di mo kilala si JLC, mapagkakamalan mo siyang fan ni Bea.

Well, mukha namang masaya si JLC sa kanyang ordinaryong buhay ngayon at ‘yun naman ang importante.
***

Vickie rumesbak sa mga basher

Finally ay nagbigay na ng kanyang pahayag at saloobin si Bb. Pilipinas 2019 candidate Vickie Rushton hinggil sa naging experience niya sa nasabing pa-geant kabilang na of course ang kontro-bersyal na performance niya sa Question & Answer portion at the coronation night held last Sunday.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Vickie na marami siyang natutunan sa katatapos lamang na pageant.

“Life is the biggest classroom and experience is the greatest teacher. My experiences in the recently concluded Bb. Pilipinas pageant has taught me a lot of lessons — lessons which will guide me as i continue to embark in my life’s journey. These experiences will help me find more options to reach my life goal,” ang simula ni Vickie.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa kanyang mga supporters, sa mga kapwa-kandidata at sa lahat ng naniwala sa kanya.

“To all those who supported me, prayed for me, joined me in my journey, thank you is not enough to express my gratitude for your unconditional support and love.

“I treasure the moments i shared with my fellow Binibinis who, like me, shared a common dream of getting a crown. In them, I found a f­amily. We worked together, laughed together, and at times cried together. I am sincerely happy to the crown holders and commiserate with those who did not.”

Lastly, nagpasalamat din si Vickie sa kanyang mga detractor at aniya, tinatanggap niya ang lahat ng mga komento tungkol sa kanya.

“To all those who believed in me despite my imperfections and to my detractors, thank you so much. Your comments and reactions were noted.

I can use some of them to perfect my imperfect self. Thank you also to those who continue to defend me. Let us put to rest the issue and we can move on from here. We can be friends even if we had differences.

Let’s consider how to uplift one another, support, encourage and pray for each other,” pahayag pa ng girlfriend ni Jason Abalos.