Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd nawalan ng bilib sa sarili

0 173

Walang pagsisisi kay John Lloyd Cruz na pansamantala niyang iniwan ang showbiz noong 2017. Ayon sa aktor sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa KUMU digital show na Best Talk Show last Saturday, ito ay isang bagay raw na kinailangan niyang gawin.

“Parang kailangan na rin munang huminto at magnilay-nilay. Parang kailangan nang medyo dumistansiya,” he said.

“Para malagyan mo ulit, kailangan munang ubusin, something like that,” paliwanag pa ni Lloydie.

Tinanong ni Kuya Boy kung napagod ba siya that time at sey ng aktor, “parang hindi naman siya istorya ng pagod.”

Paliwanag niya, “kasi at one point, you realize na sobrang igsi pala ng buhay. So, gusto mo lang, somehow, mabigyan din kahit papaano ng halaga, atensyon ‘yung mga bagay na. . .hindi mo pwedeng ikaila ‘yung. . .di ba? Parang hindi mo siya made-deny, eh. Parang kailangan mo siyang gawin.

“Otherwise, parang tingin ko, ayoko namang tatanda ng nagtataka ako, ‘paano kung sinubukan ko?’ Hindi lang ‘what ifs’, parang pag nabigyan ka ng opportunity to experience somehow the knowledge of wisdom, parang irreversible na siya, parang hindi na siya. . .parang andu’n na siya. Parang ‘pag alam mo na ito ‘yung dapat mong gawin, ito ‘yung alam mong tama na gawin mo, parang lolokohin mo na lang ang sarili mo kung ide-deny mo ‘yung sarili mo na magawa ‘yung gusto mong gawin.”

Aminado siyang hanggang ngayon ay mahirap intindihin ang nangyari sa kanya for the past 5 yrs.

“Tingin ko, marami pa ring sinasabi ang mga lumilipas na sandali kaya mas masarap ‘yun kung magmasid na lang, making at huwag na lang munang magsalita about it. Interesting kung ganu’n, eh,” he said.

Para sa aktor, nawalan man daw siya ng trabaho ay naging enriching naman daw sa kanya ang karanasan nang mga panahong wala siya sa showbiz.

“Nawalan man ako ng trabaho, ang dami ring na-gain huminto man ako ng matagal. Pero hindi naman ako tumitigil ng paggawa (ng proyekto), kahit panaka-naka, gumagawa. Binibigyan ako ng magagawa ng mga kaibigan.

“So, ‘yung mga panahon na ‘yun, enriching din naman.”

Aminado rin ang aktor na talagang nakaka-drain din ang pagiging isang artista.

“Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho. And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time.

“And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo, wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time. Kumbaga nakakahiya na lang din,” saad ni Lloydie

When asked kung ano ang kanyang state of mind ngayon at kung masaya ba siya, ayon sa aktor ay wala siyang kasing-saya because of his child, si Elias na anak nila ni Ellen Adarna.

“Wala na yatang mas liligaya pa kapag mayroon kang maliit na anak, na 2 years old na, ang kulit na. . . wala na. Parang ang lupet. My little savior,” sey ni Lloydie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.