Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd nirampa ang ‘dyowa’

0 1,036

NI: VINIA VIVAR

Spotted si John Lloyd Cruz na kasama ang rumored girlfriend, ang painter na si Isabel Santos.

Ipinost ng boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nunez sa kanyang Instagram account ang isang group photo na kuha mula sa Christmas Party ng Crown Artist Management.

As we all know, sina Maja at Rambo ang nagma-may-ari ng nasabing talent agency kung saan ay talent nga nila si Lloydie.

SM food to go Banner Ad

Sa nasabing larawan ay makikita ang aktor na nakayuko at kaakbay si Isabel. Actually, hindi kita ang mukha ni Lloydie pero nakilala namin siya dahil may post ang isa pang staff ng Crown Artist Management na similar photo pero nakatingin na sa camera si JLC.

Matatandaang unang natsismis si Lloydie at Isabel dahil sa mga Instagram posts ng huli noong September na mga larawan ng aktor.

At nito lang Dec. 3 ay may post naman si Isabel na larawan ni John Lloyd habang nasa isang art gallery sila.

Well, wala namang masama kung may bago nang GF si Lloydie since single naman siya. Matatandaang huling karelasyon ng aktor si Ellen Adarna kung saan ay nagkaroon sila ng isang anak, si Modesto Elias. They broke up in 2019 at ngayon ay maligaya na ang aktres sa piling ng asawang si Derek Ramsay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.