Abante Tonite Interactive

John Lloyd pakakasalan na si Ellen

By
5,577

MAINGAY na ang balitang magpapakasal na nga sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ang manager/columnist na si Nay Lolit Solis ang naglabas ng balita sa kaniyang Instagram account.

May source raw siya na nakaalam na nag-i-inquire na nga ang dalawa for their wedding. Si Nay Lolit din ang nagbuking na engaged na sina John Lloyd at Ellen dahil sa bonggang engagement ring daw na ibinigay ni Lloydie sa girlfriend and soon-to-be mommy ng magiging anak niya.

Sa kabila ng mga isyu, intriga sa relasyon ng dalawa, ipinakita talaga ni John Lloyd na pinaninindigan niya ang dalaga. In fact, sa IG account nga niya, minura na niya ang 2017 at sinabing hindi siya na-break o nasira nito.

After all these, ang tanong ngayon, hanggang kailan kaya ang plano ni John Lloyd na mamahinga sa showbiz? Si Ellen, given na matatagalan pa bago ito magbalik dahil preggy nga.

Sa turn of events, magbabalik pa kaya si John Lloyd sa sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi?

Puwede pa rin naman kahit may asawa na si John Lloyd tulad ni Toni. ‘Yun lang, parang si Ellen na ang hindi na advisable na magbalik sa HSH dahil parang awkward na bilang in real-life, sila ang tunay na mag-asawa, ‘di ba?

Consistent top-rater ang Home Sweetie Home sa ABS-CBN kaya tingin namin, ang kuwento at may nabuo na kasing manonood ito na nakatutok talaga every weekend.

Anyway, bukod sa HSH, nananatili rin na pinapanood at source ng katatawanan ang mga comedy shows ng Kapamilya network na Banana Sundae tuwing Linggo ng hapon at Goin’ Bulilit sa gabi.