Abante Tonite Interactive

John Lloyd pasong-paso sa showbiz

By
2,890

Kitang-kita ang pag-iwas ni John Lloyd Cruz sa interview noong Martes sa video na ipinost ng ABS-CBN news reporter na si Mario Dumaual sa abs-cbn.com.

Dumalo si Lloydie sa art exhibit sa UP Vargas Museum nang araw na iyon na timing namang kasasampa lang ng kasong Child Abuse at Cyber Libel sa girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Sa video ay makikitang tina-try ni Mario na interbyuhin si Lloydie pero tila nag-beg-off ang aktor at nagsabing “sorry”.

Abante Hiring – IT dep

Maya-maya ay makikitang tila may tinanong or sinabi si Mario kay Lloydie pero sagot ng aktor, “Ay naku, I don’t wanna deal with that. I’m sorry, excuse me” at lumayo na sa news reporter.

Makikita rin sa video na bagong-ahit ng ulo si Lloydie na si Ellen mismo ang nag-shave base sa ipinost ng aktres na video sa kanyang IG account last Tuesday.

Nakakalungkot lang na makita na parang pasong-paso na si Lloydie sa showbiz at parang hindi na siya talaga komportable sa harap ng camera gayung sandali pa lang naman siyang nawawala sa limelight.

Sa nakita naming reaksyon ng aktor, parang matatagalan pa bago siya bumalik ng showbiz or baka nga hindi na, forever.

Angelica may hugot sa ‘broken’ woman

Nagbabalik ang original Hugot Queen na si Angelica Pa­nganiban dahil may bago na naman siyang “hugot” post sa kanyang Instagram account.

Nag-post siya ng isang quotation mula sa iambrill­yant quotes tungkol sa isang “broken” woman.

Saad ng quote, “I’ve learnt that a woman with a broken past needs to be treated with patience. She needs time to breathe, to heal, to rediscover herself.

“A mistreated woman will reject love countless time before she gives in, because she’s lost sense of what it’s like to be treated right.

“But the beautiful thing about broken women is the wisdom the past has given them and the capacity of love they have to offer. It’s endless.”

The quote is very mea­ningful na tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman. Hindi naman kaila sa lahat na dumaan si Angelica sa matinding heartache nang maghiwalay sila ni John Lloyd Cruz.

Nag-post din siya ng isang makahulugang mensahe na nagsasaad ng “ako’y patawarin mo. Nararamdaman ko ay ubos na” and we wonder kung para kanino ito.

Timing naman na ipinost niya ito at the time na na­balita ang pagsasampa ng kaso kay Ellen Adarna who as we all know ay girlfriend ni Lloydie ngayon.

Anyway, fans and supporters of Angelica are all hoping na sana’y masumpungan na ulit ng aktres ang magmahal ulit at tulu­yan nang makalimutan ang sakit na idinulot ng nakaraan. Marami na ang nag-aabang kung kailan ba siya magi­ging maligayang muli sa pi­ling ng bagong pag-ibig.

Cristine happy kahit may isyu ng hiwalayan

Sa gitna ng hiwalayan issue sa asawang si Ali Khatibi, mukhang masaya naman si Cristine Reyes base sa kanyang mga IG posts lalo pa nga’t busy rin siya sa shooting ng pelikulang The Bitch Wedding ng Viva Films kasama sina Nathalie Hart, Roxanne Barcelo, Kylie Versoza and Meg Imperial.

Nag-post si Cristine ng mga photo and vi­deo niya habang nagsu-shooting sa Albay at makikita namang tuwang-tuwa siya.

Up to now ay wala pa ring pahayag ang mag-asawang Cristine at Ali sa issue.