Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd ‘pinahiya’ si Willie

0 274

NI: ARCHIE LIAO

Kahit na itinanggi ni Willie Revillame na tinabangan siya kay John Lloyd Cruz , may ilan pa ring intrigerang ayaw patahimikin ang isyu.

Sa latest vlog nina Mama Oggs at Mama Loi na Ï-Tsika Mo Na, Dali, napag-usapan ang isyung ito.

Tinumbok ni Mama Loi na ang rason umano kung bakit na-turn off daw si Willie kay Lloydie ay dahil sa eksenang naganap sa cast party para kay Lloydie. Ito ay after the promo launch ng isang online shopping app.

Dahil overwhelmed daw si John Lloyd sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ka-industriya sa kanyang comeback, join daw ang actor sa selebrasyon.

Ang siste, dahil sa sobrang na-enjoy raw nito ang pa-party sa kanya, nakalimutan daw nito ang kanyang sarili. How true na nalasing ang aktor?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang event, habang nakikipag-rubbing elbows daw naman si Willie sa mga executive ng network sa isang sulok, pinatawag nito si Lloydie para ipakilala sa mga ito.

Pero, naturn-off daw umano ang ‘Wowowin’ host dahil ‘ngenge’ na raw si Lloydie nang humarap sa mga ehekutibo.

Hindi raw naman nakuhang tumanggi ng actor nang ipatawag siya on the spot ni Willie, bilang respeto na rin sa TV host na nag-effort na magkaroon siya ng showbiz comeback sa TV.

Bagamat bulung-bulungan pa lamang ito, may mga tsismak na nagalit daw ang TV host sa actor dahil feeling niya ay ‘pinapahiya’ siya umano ng magaling na aktor.

Bukas ang Tonite sa panig nina Willie at John Lloyd para sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.