Abante Tonite Interactive

John Lloyd sumipot sa hearing ni Ellen

By
0 7,514

Hindi si Ellen Adarna ang dumating sa kanyang preliminary hearing kahapon sa kasong child abuse and cybercrime sa Pasig City Office of the Prosecutor kundi ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz. Kasama ni JLC ang lawyer ni Ellen.

Sumipot din ang nagsampa ng kaso kay Ellen na si Myra Abo Santos, ina ng 17-year-old girl na in-upload ni Ellen sa kanyang IG story at pinaratangang ‘paparazzi’. Umabot nang halos 30 minutes ang pagdinig.

Ang susunod na hearing ay nakatakda sa June 25.

Matteo nagbigay-pugay sa ama

Idolo at pinakamala­king impluwensya sa buhay ni Matteo Guidicelli ang amang si Gianluca. Mapa-sports man on sa pagtatrabaho, sa kanyang tatay kumukuha ng lakas at halimbawa ang Kapamilya hunk at mga kapatid nito.

Kaya naman ngayong papalapit na ang Father’s Day, todo saludo si Matteo sa kanilang daddy sa espesyal na episode ng ‘Sports U’ ngayong Huwebes (Hunyo 14) sa ABS-CBN.

Fhaye ‘di pinagselosan ni Kim

Kapatid ni Kim Domingo sa kuwadra ng kanilang manager na si Kristoffer Veneracion si Fhaye Lorenzo. Welcome naman daw ito kay Kim. Hindi niya pinagseselosan na may ibang alaga ang kanyang manager.

“Kasama siya ni Kim sa mode­ling industry. Accommoda­ting naman si Kim sa lahat ng talents ko,” paglalahad ni Kris.

Naging FHM model na rin daw si Fhaye at pina-vtr sa GMA Artist Center. Napanood na rin siya sa ‘MMK,’ ‘Wagas’ at ‘Alyas Robinhood’. Gusto niya talaga na magkaroon ng showbiz career.

Half-Fili­pino, half-Spanish si Fhaye, 21 years old, may taas na 5’6 at sukat na 34-25-32.