Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd trending ang pasiklab sa Father’s Day

0 166

NI: VINIA VIVAR

Ang gandang tingnan ng mag-amang John Lloyd Cruz at Elias sa larawang ipinost ng aktor kahapon, Father’s Day.

Mukhang kasama ni Lloydie ang anak kahapon dahil nag-post siya ng larawan ng bonding moment nila. Black and white ang photo at makikitang pasan ng aktor si Elias at nakahilig pa ang bagets sa ulo ng ama.

Walang caption na inilagay si Lloydie at binigyan lang ng credit ang kumuha ng larawan.

May netizen na nag-comment na nasa Boracay daw ang mag-ama.

Dumagsa naman ang pagbati ng mga follower ng aktor ng “Happy Father’s Day.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.