Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Lloyd tuloy ang sitcom sa GMA

0 89

NI : Archie Liao

May report na tuloy na ang gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7.

Katunayan, napagmitingan na raw ang ilan sa mga detalye nito. Nasa production preparation na raw ito.

Tulad ng napabalita, hindi na ang Wowowin host na si Willie Revillame ang producer nito.

Station-produced na rin daw ito ng Kapuso network at ang magdidirehe raw nito ay ang dating Kapamilya director na si Bobot Mortiz.

Wala pa ring kumpirmasyon kung kasama sa cast si Andrea Torres tulad nang plinano ni Willie noon.

Maliban daw dito, wala pang balak ang nasabing network hinggil sa movie o teleserye ni Lloydie sa Siyete.

May ilan namang birdie na nag-tweet na hindi raw umano kinagat ng network executives ang original na presyo ng actor.

May mga tsika pa ngang nag-adjust umano ng kanyang talent fee si John Lloyd.

Samantala, lumutang ang pangalan ni Lloydie na iwe-welcome ngayong araw ng ABS-CBN na forever Kapamilya. May teaser ito na “Home is where his heart is.” Sinundan pa ito kahapon ng “The Ultimate Heartthrob is here to stay!”

Kung tuloy ang sitcom ni John Lloyd sa Kapuso, si Piolo Pascual ang hinuhulaang bumalik sa ABS pagkatapos magtrabaho ng isang variety show sa TV5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.