Abante Tonite Interactive

John Lloyd, tumakas sa Star Magic Ball

By
11

Bago ang Star Magic Ball, may nabalitaan kaming hindi aattend si John Lloyd Cruz. Sa totoo lang, nalungkot kami sa balitang ‘yun dahil alam naman natin na si John Lloyd ay kabilang sa mga Star Magic’s ‘best’.

Eh, hindi naman na kailangang itanong kung bakit nasabing hindi ito aattend ngayong 2017 Star Magic ball. Lalo pa nga at naglalabasan pa ang mga isyung ‘di umano ay napagsabihan ang actor ng kanyang talent-arm dahil sa mga recent social media postings and sightings na kasama niya si Ellen Adarna.

Kaya natuwa naman kami nang malaman namin na dumating pa rin si John Lloyd sa ball at nakipag-party with his Star Magic family, especially at kasabay na rin nito ang pagdiriwang ng Star Magic ng ika-25th anniversary.

Natakasan nga lang ni John Lloyd ang mga nag-aabang na press sa kanya at hindi rin ito dumaan sa red carpet. Nalaman na lang ng mga press na nag-cover ng event sa ilang pictures sa social media na post ng iba na dumating nga ang actor.

Kinamusta naman namin ang isa sa umattend ng ball at nag-stay hanggang matapos ang party kung kasama ba ni John Lloyd na umattend ang rumor girlfriend na si Ellen Adarna.

Pero, hindi raw nila nakita si Ellen at palagay nila, wala ito sa Star Magic ball.

Mukhang mag-isa lang talaga si John Lloyd and in fact, hindi rin naman daw ito masyadong nag-ikot sa ballroom at nag-stay ng matagal talaga.

May lumabas na picture ni John Lloyd habang magkayap sila ng on-screen loveteam na si Bea Alonzo. Ang ganda ng picture na ‘yun na habang tinitigan ay parang nagpapahiwatig ng suporta at pagmamahal meron sila sa isa’t isa.

‘Yung tipong hindi na kailangan ng salita at naiintindihan na nila kung anuman ang pinagdadaanan ng bawat isa.

Ang Star Magic ball ang isa sa yearly event ng Star Magic na talagang inaabangan ng marami. Pinaghahandaan din ng bawat artistang dumadalo. In fact, ang Star Magic ball na yata ang masasabing pinakamatagumpay na gatherings ng napakaraming kilalang artista at personalidad sa showbiz.

Kahit ang ilang Kapuso stars tulad nina Heart Evangelista, Janine Gutierrez, Mikael Daez ay walang-dudang nag-enjoy nang husto.