Abante Tonite Interactive

John Lloyd weird ang kilos sa tipar ni Digong

1,449

Allan Diones

Kawawa naman si John Lloyd Cruz. Lait na lait ito sa lumabas na picture nito na dumalo sa pa-dinner ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanãng nu’ng Tuesday night.

Wala kasi ‘yung bakas ng dating good boy at clean image na John Lloyd sa itsura nito roon sa selfie nila ni Martin Andanar sa nasabing event.

Ang tsika ay hindi inalis ni Lloydie ang suot niyang dark shades, tapos ay ang weird daw ng kilos nito that night na ikinalerky ng ibang celebrities na imbitado rin sa Palasyo.

Maging ang netizens ay nagtatanong kung bakit may lubid ‘yung salamin na suot ni John Lloyd. Uso raw ba ‘yon?

Nang tanggalin daw ng aktor ang suot nitong shades ay kita raw ang dark circles sa mata nito. Tapos, pati pagsasalita raw ni Lloydie ay may kakaiba rin, na hindi nila mawari kung ano.

Meron ding mga nagtatanong kung bakit nandu’n sa Malacañang si JLC samantalang hindi naman ito kilalang supporter ni Duterte tulad ng ibang imbitadong celebrities.

Actually, aminado ang ilang supporters ni Lloydie na hindi na mukhang A-lister ang dating Kapamilya actor, pero mukha naman daw itong happy.
Okey lang daw kahit hindi na mala-matinee idol ang looks nito ngayon dahil magaling naman daw itong aktor.

Kasama pala ni John Lloyd sa pa-dinner ni PDuts ang dyowa niyang si Ellen Adarna na red orange blazer ang suot.

Sayang at wala sa nasabing pagtitipon ang presidential son na si Baste Duterte.

Mas bongga sana ang eksena kung nagkita si Ellen at ang dati nitong nakarelasyon at naka-live in na si Baste, tapos ay nandu’n din si Lloydie na ama ng kanyang anak.

Present din that night si Ruffa Gutierrez, na hindi namin sure kung nakita ang ex-BF nitong si John Lloyd.

Na-curious tuloy kami kung anong reaksyon ni Ruffa nang makita nito ang itsura ngayon ni JLC.
PAK!!