Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John lumabas na ng ospital

0 239

Lumabas na ng ospital si John Regala sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) . Ipagpapatuloy na lang ng action star ang pagpapagaling sa kanyang bahay.

Nagpumilit umano ang aktor na umuwi kaya nirespeto ang desisyon niya. Bagamat marami ang tumulong sa kanya sa showbiz ay nag-alala rin siya sa mga babayaran.Pero sinigurado nina Nadia Montenegro, Aster Amoyo at ibang kasama sa grupo na wala itong sasagutin sa ospital.

Ilan sa mga test na ginawa sa kanya ay may kaugnayan sa liver cirrhosis , diabetes at gout.

Pero may intriga rin ang diumano’y matigas ang ulo ng aktor bilang pasyente.

Tinatanong tuloy ng netizen kung siya ba ang pinapatutsadahan ng veteran actress na si Elizabeth Oropeza sa kanyang Facebook post. Ang isyu ay tungkol sa pagtulong sa totoong nangangailangan.

Narito ang kabuuang hugot ng aktres… “Ipagpatawad ninyo.

Personal opinion ko po ito.

“It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life, nagkapera, sikat pero winaldas, nag drugs, alcohol at iba pang bisyo.

“Samantalang yung mga pobre na masisipag, mahal ang pamilya, mababait at walang bisyo pero naghihirap ngayon ng husto dahil walang hanapbuhay ay madalas hindi nakatatangap ng tulong dahil hindi kilala ang pangalan.

Walang publicity.

“Itong mga walang pagpapahalaga sa nakamtan nilang biyaya na galing sa langit, madalas pag bumuti ang pakiramdam pagkatapos nating tulungan, balik ulit sa bisyo hanggang mamatay o mahuli ng pulis at makulong ng tuluyan.

“Bakit ganun? Ipinopost natin at nag su solicit tayo, milyon nga yung isang binayaran sa hospital, na- naospital dahil inatake ng dahil sa pinagbabawala na gamot!

“Then, after being helped..ayun! Balik sa bisyo, nakakulong ngayon.

Life is not fair. Naisip ko lang ito.

Wala lang. Naawa lang ako sa mga dapat matulungan na hindi natutulungan.

“Sana bigyan naman ng halaga ng mga may pangalang tao ang mga tulong na ibinibigay sa kanila.

Ang swerte nila!

“At sana, medyo bigyan na ng priority ng mga matulugin na magbigay ng tulong sa mga mas karapatdapat.

“Personal ko pong opinion ito.

Sharing it with you. God Bless every one.”

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.