Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Manalo binuska si Bato

0 835

Bagaman matagal nang wala si John Manalo sa ABS-CBN, sinuportahan pa rin niya ang laban ng TV network para magkaroon ng bagong prangkisa.

Sa isang video na pinost niya sa social media, nilabas ng content creator-aktor ang kanyang saloobin isang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa nasabing botohan, 70 ang kongresistang pabor na i-deny ang bagong 25-taong prangkisa ng Kapamilya network, 11 naman ang hindi sang-ayon, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain.

“To the brave 11, hats off to all of you. Ang sarap matulog nang alam mo na tama ‘yung ginawa mo, ‘no?,” wika ni Manalo.

“Sa lahat naman na nag-vote ng “No” [sa patuloy na operasyon ng ABS-CBN],” bigkas ni John bago ngumiti, umiling, huminga nang malalim, at sumipol. Sa ibabang bahagi ng kanyang video, mababasa ang katagang “para saan pang naging representative kayo if pang sariling interest lang ang ni-rerepresent niyo?”

“Sa mga taong masaya na napasara ang ABS-CBN, man! Damn! You need to reevaluate your life. Masaya kayo na libu-libong tao ang nawalan ng trabaho during this pandemic?” sey niya, bago bigkasin ang naunang payo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga ABS-CBN employee na tatamaan ng shutdown.

“Hanap na lang silang ibang trabaho, no?” ayon sa aktor, habang nakangisi.

“Matagal na akong wala sa ABS-CBN. Hindi ako direktang tinamaan [sa shutdown]. Pero I will be a forever Kapamilya,” wakas pa niya.

https://twitter.com/manalojohn/status/1281818689524752387?s=20

Matatandaang inabisuhan ni Dela Rosa ang 11,000 manggagawa ng ABS-CBN Corporation na maghanap na lang ng ibang trabaho sakaling hindi maaprubahan ng Kongreso ang renewal ng kanilang prangkisa.

“Hanap ng ibang trabaho para mabuhay, magsumikap, may ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs,” wika noon ng senador, ilang araw bago ang botohan ng Kongreso. (sdc)

Leave A Reply

Your email address will not be published.