Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John nahawa kay Coco

0 127

NI: ARCHIE LIAO
Marami ang bumilib sa ipinakitang kabutihan ni John Prats sa isang Reinanay contestant sa It’s Showtime.

Naantig kasi siya sa kuwento ng nasabing contestant na kinailangan pang manghiram ng cellphone sa kapitbahay para lamang makasali sa naturang segment ng show.

Thru Vice, inako nito na sasagutin niya ang tuition fees ng tatlong anak ng contestant sa kanilang online classes.

Umani naman ng mga papuri sa mga netizen ang pagkakawanggawa ng aktor na ngayon ay direktor na ng naturang noontime show.

Sey naman ng ilan, good influence daw si Coco Martin sa kanyang FPJ’s Ang Probinsyano co-star dahil nahawahan nito ang huli nang pagiging matulungin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pati sa diskarte ay nahawa rin daw si John ng aktor.

Matatandaan noong 2018 ay nalubog sa putik ang float ng

filmfest entry ni Coco sa parada. Gumawa kaagad ng paraan si Martin . Ginamit niya ang sariling armored van .Doon siya sumakay kahit basang-basa siya sa ulan para matuloy mapagbigyan ang mga nag-aabang na mga fan sa kalsada.

Hawig din sa diskarte ngayon ni John na nanghiram ng dump truck para sugurin ang baha at makapasok sa It’s Showtime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.