Abante Tonite Interactive

John nangamba sa kaligtasan ni Isabel

666

NI RONA RONDA

Nababahala si John Prats sa kaligtasan ng asawa niya na nagdadalantao sa ikatlo nilang anak. Ibinahagi niya ito sa panayam sa kanya sa One Voice Philippines.

Ayon sa aktor, nakatakdang manganak ang kanyang asawa sa July kaya’t umaasa siya na sana’y matapos na ang public health crisis.

Kuwento pa niya sa pagkakaroon ng lumalaking pamilya, “Having two, bro, riot, eh. So hindi ko pa ma-imagine ‘yung tatlo, but I’m really excited.”

Ngayong ipinatupad na ang extended lockdown hanggang April 30, hiling ng pamilya ng aktor ang pagbalik sa normal ng lahat.

Tonite – Wendys Inhouse Ad