Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John Regala na-confine na sa ospital

0 465

Kasalukuyan na umanong nasa ospital si John Regala.

Batay ito sa update sa Facebook ni dating “That’s Entertainment” star Chuckie Dreyfrus tungkol sa beteranong aktor.

Lumabas daw sa mga blood chem test result ni Regala na malala ang creatinin levels at liver functions nito, kaya namamaga ang mga paa niya.

“Currently, John is being monitored closely and being given the necessary medical care he desperately needs,” ani Dreyfus.

Sasailalim pa raw sa maraming test si Regala kabilang ang ultrasound at COVID-19 rapid test.

Magugunitang ilang larawan ni Regala ang nag-viral kamakailan kung saan makikitang pagala-gala siya sa Pasay City at humihingi ng tulong. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.