Abante Tonite Interactive

John Regala nagpasaklolo kay Coco

3,475

Halatang may iniindang sakitsi John Regala dahil sa hitsura nito. Hirap siyang magsalita nang ito’y aming makausap sa wake ng kanyang namayapang ina, ang dating actress na si Ruby Regala. Ang huling burol ay ngayong Huwebes, February 27 sa St. Peter Memorial Chapel, Commonwealth, Quezon City. Nakatakdang ihatid ito sa kanyang huling hantungan bukas sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.

Si Ruby ay sumakabilang buhay nung January 11, 2020 sa isang pagamutan sa Washington, D.C. dahil sa brain tumor. Mag-isa itong naninirahan sa Amerika.

Sa tulong ng mga kapatiran ng Iglesia ni Cristo at ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ay naiuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Ruby.

Nagkaroon kami ng exclusive interview kay John for our online show on Abante Tonite, ang “Celebrity Talk” na nakatakdang ipalabas ngayong Lunes, March 2.

Kitang-kita kay John na financially hard-up siya ngayon dahil matagal-tagal na ring panahong wala siyang trabaho. Huli siyang napanood about two years ago sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa tulong na rin ng lead star at co-director na si Coco Martin.

Umaapela si John ng tulong kay Coco maging sa ABS-CBN at GMA na sana’y mabigyan umano siya ng trabaho.

Sa gitna ng aming kuwentuhan ni John ay hindi nito mapigilan ang mapaiyak.

James dyutay na ang kita

Bakit kaya ibinebenta ni James Reid and kanyang 7-bedroom house sa Loyola Grand Villas in Quezon City?

Masyado na bang napakalaki ng bahay para sa kanya ngayong wala na sila ni Nadine Lustre o baka naman gusto na lamang niyang lumipat sa isang condo unit na mas maliit ang maintenance?

Marami ang nagsasabi na hindi na umano ganoon kalaki ang kinikita ngayon ni James kumpara nung siya’y nasa bakuran pa ng Viva.

Pamilya Atayde love ni Yaya Dub

Inamin ni Arjo Atayde na sumasagi na rin sa kanilang usapan ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal. Pero wala pa umano silang plano kung kelan ito mangyayari.

Ayon kay Arjo, si Maine na umano ang kanyang `the one’ at gusto niyang makasama habambuhay.

Ano ang nagustuhan ni Arjo kay Maine.

“Everything about her,” aniya. “Wala siyang pretensions at nakita ko rin ang kanyang pagmamahal sa akin at sa pamilya ko,” ani Arjo.