Abante Tonite Interactive

John sinisira dahil sa paglipat sa GMA?

By
9,132

Hindi pa rin natatapos ang is­kandalo sa magaling na aktor na si John Estrada.

Kung ano-anong ber­syon na ang naglalabasan. Sumobra na raw sa totoong nangyari.

“Demolition job,” sigaw ng kampo ni John.

May kinalaman kaya ito sa pag-ober da bakod ni John sa Kapuso network?

Matunog ang balita na makakasama siya sa bagong serye ni Alden Richards na Mitho.

Anyway, bago pa gawin ni John ang The Good Son ay may negotiation na siya sa GMA 7.

Posibleng nag-materialize ngayon dahil wala na siya sa serye ng Kapamilya.

Kumpirmadong gagawa siya sa GMA 7 pero walang kontrata. Kapag may offer, balik Kapamilya siya.