Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John tanggap ang laban kina Phillip, Jinggoy

0 264

Marami ang nagsasabi na mahigpit na kalaban ni John Arcilla sina Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari) at Jinggoy Estrada (Coming Home) sa Best Actor ng MMFF.

Ano ang reaction ng bida ng Suarez: The Healing Priest?

“Actually, ‘wag ikagagalit ni Phillip Salvador kasi kinalakihan ko ang acting niya when I was growing up ,” sambit ni John sabay tawa.

“Siyempre si Jinggoy din.Para sa akin isang malaking ano na ang mga idol na mga aktor nu’ng unang panahon ay katapat ko sa nomination. Sobrang saya. It’s an honor for me,” deklara niya sa presscon ng naturang pelikula.

Samantala, hindi na natuloy ang paglipad at pagbabakasyon sana ni John Arcilla, na naka-schedule dapat nitong second week ng December.

Mas inuna ng aktor ang promo ng kanyang latest film na bida ng MMFF movie na Suarez: The Healing Priest kesa ang magpahinga mula sa kanyang hectic schedules sa FPJ’s Ang Probinsyano. Gusto ring masigurado ni John na maipo-promote nang todo ang movie niya.

“I want to help my producer and director para mas maging aware ang mga tao na may ganitong pelikula sa MMFF. Yang pahinga at bakasyon puwede ko namang gawin yan sa ibang panahon,” katwiran ng magaling na aktor.

Samantala, bukod kay John ay higit 52 artista rin ang bumubuo sa cast ng Suarez. Here are their names base sa kanilang order of appearance: Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero.

Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista, Bobby Andrews.

Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.

Mapapanood ang Suarez: The Healing Priest sa UPSTREAM.ph online platform simula December 25.Idinirek ito ni Joven Tan at prinodyus ng Saranggola Media Productions

Leave A Reply

Your email address will not be published.