Abante Tonite
Mabilis sa Balita

John tumalak sa umpukan ng mga tao

0 162

Binanatan ni John Arcilla ang mga Pilipino na mahilig magsaya. Aniya’y puwedeng ikamatay ng kanilang pamilya o kapitbahay.

Sa kanyang Twitter account, hindi napigilang mag-react ni Arcilla sa isang video kung saan nag-umpukan ang mga tao. Halos magkakadikit na ang mga mukha sa kabila ng banta ng Omicron COVID variant sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sinabi rin niyang maaangal ang mga Pilipino sa lockdown ngunit matitigas naman ang mga ulo.

“OMICRON ALERT. WALA NAMAN BUMABAWAL SATIN NA MAGSAYA. Pero may mga KASAYAHAN na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya o kapitbahay. Importante ang MENTAL HEALTH pero anong saysay nito kung MAMAMATAY KA SA VIRUS? ANGAL sa Lockdown PERO ANTIGAS NG ULO NATIN,” tweet ng aktor. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.