Abante Tonite Interactive

Johnson, Bird sa Lifetime award

251

Sabay na humarabas sa NBA noong ‘80s sina Magic Johnson at Larry Bird, sabay din silang gagawaran ng Lifetime Achievement Award.

Tatanggapin ng da­lawang Hall of Famer at teammates sa 1992 Barcelona US Olympic squad ang parangal sa June 24 sa NBA awards, ayon sa liga at sa Turner Sports.

Taong 1979 nang magkrus ang landas ng dalawa sa NCAA championship, tinalo ng Michigan State ni Johnson ang Indiana State ni Bird. Hanggang ngayon, ‘yung laro na ‘yun pa rin ang highest-rated game sa television sa kasaysayan ng college basketball.

Buong dekada 80, sila lang halos ang laman ng NBA matapos pumunta si Magic sa Los Angeles Lakers at si Bird sa Boston Celtics.

Nakalimang kampeonato ang Lakers noong 1980s, tatlo sa Celtics. Sa tulong ng dalawa ay nakilala pa lalo sa buong mundo ang basketball.

May tigatlong MVP awards sina Bird at Johnson, kasama sa 50 greatest players ng NBA. Pareho ring dalawang beses nailuklok sa Hall of Fame. (VE)