Abante Tonite Interactive

Johnson, PetroGazz ayaw malunod sa 1 basong tubig

267

Pokus pa rin si import Janisa Johnson at ang PetroGazz kahit pasok na sa semifinals ang Angels sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference second round eliminations.

Hinampas nitong Linggo ng Angels ang pampitong panalo sa season-opening conference laban sa BaliPure, 25-19, 25-22, 25-18 sa Imus City Sports Center, Cavite.

“At the end of the day, we had to stay focused,” giit ni team captain Johnson na nagbalumbon ng 17 points sa hampasan.

“We managed our errors and it was a win so I guess that’s it,” hirit ng American import.

Sinegundahan ni Arnold Laniog ang patutsada ng kanyang reinforcement na na maaga pang masyado para mag-relax.

“Sabi ko nga going into second round dapat ang mentality namin talaga, I mean, ‘yung gagalaw kami na may disiplina. Gagalaw kami doon sa level na meron kami, parang di ko nakikita,” punto naman ng PetroGazz coach.

Sunod sa radar ng Angels ang Creamline na nilantakan na nila sa first round elims kung saan nagka-injury si Alyssa Valdez. Sa Sabado ang rematch sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

“It’s a great game, we worked hard in practice this week, of course we’ll have our ups and downs, but we are working hard and do whatever we can to get the win,” boka pa ni Johnson. (Janiel Abby Toralba)