Abante Tonite Interactive

Johnson, PetroGazz gaganti sa Game 2

166

Finals Game 2 ngayon: (FilOil Flying V Centre, San Juan)
2:00pm — BanKo vs Pacific Town Army (Battle for 3rd)
4:00pm — PetroGazz vs Creamline (For 1st-2nd places)

Pupuwersahin nina PetroGazz imports Janisa Johnson at Wilma Salas, at Angels na kopoin ang Game 2 win sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference best-of-three Finals kontra defending champion Creamline nga­yong Sabado ng alas-4:00 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Taob ang Angels nitong Miyerkoles sa Game 1, 26-24, 16-25, 16-25, 22-25, kahit humambalos si Johnson ng Estados Unidos ng 20 points, at si Salas ng Cuba ng 18 markers.

“Everyone’s reflecting­ including myself. I mean, of course we’re pissed, you know, we’re upset but it’s not over yet,” ani team captain Johnson.
“So we have to, you know, know it’s not over and we’ll come ready for Saturday.”

Nasa radar ng dalawa ang kapwa guest players na sina Aleoscar Blanco ng Venezuela at Kuttika Kaewpin ng Thailand, pati sina Alyssa Valdez at Michelle Gumabao na mga pipigilan sa Cool Smashers.

Kasama pa ang controversial late calls, unforced errors din ang nagpahina sa PetroGazz kung saan 31 puntos ang kanilang pinamigay sa grand slam-seeking Cool Smashers.

Gaya ng Creamline, nais ding walisin ng BanKo sa sariling Game 2 battle for third ang Pacific Town Army sa alas-2:00 ng hapon. (Janiel Abby Toralba)