Abante Tonite Interactive

Johnson problemado sa MVP trophy

294

Tinanghal bilang bagong kampeon ang PetroGazz sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference nitong Linggo kasunod ng 25-15, 28-30, 25-23, 25-19 winner-take-all Game 3 upset win laban sa Creamline sa Ynares Center sa Antipolo.

Kagila-gilalas na kino­po ng Angels sa pangu­nguna nina super imports, team captain Janisa Johnson ng Estados Unidos at Best Foreigh Guest Player Wilma Salas ng Cuba Games 2 at 3 pagkaraang maunahan sa opener sa best-of-3 finals.

Kayod marino ang da­lawang guest volleybelle sa season-opening ng liga ng Sports Vision Management Group, Inc. Lalo na si Johnson na giniit na nais niyang mapatikim ang madalas niyang malasap bilang reinforcement.

“Like I said before I was doing it for the girls because I know what it feels like to win a championship, but the other girls don’t,” siwalat ni Johnson.

Kaya lubog man sa 0-1 sa serye, at bagito pa lang ang team sa PVL ‘di inalintana ng Kana ang senaryo para magiba at bulilyasuhin ang grand slam bid ng Cool Smashers­ pati ang laksang fans nito.

“And so I wanted them to experience what I’ve experienced before,” hirit niya,

Triple-double performance si Johnson sa title-clinching Game 3 — 23 points, 13 digs at 18 excellent receptions para hira­ngin rin bilang Finals Most Valuable Player, angkla sa tagumpay sa pagsipa sa dalawang beses na kampeong Creamline.

Pero problemado siya pag-uwi sa nakamit niyang personal trophy para sa nasabing award.

“I don’t know how it’s (trophy) gonna fit into my bag, but I’m gonna put it in there,” birong panapos ni Johnson. “But it’s a great feeling.

I mean, for me, awards, you know, aren’t what I always try to achieve for but when I win one of course, I take it all to heart because for me, it’s a great accomplishment. I couldn’t have done it without my team.” (Janiel Abby Toralba)