Abante Tonite Interactive

Johnson, Yap inahon ang Elasto Painters

By
1,703

Hinabol ng Rain or Shine ang 19 na puntos na pagkakaiwan para nakawan ng panalo ang Phoenix 108-106 sa Petron Saturday Special ng PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena Sabado nang gabi.

Sa pangwalong panalo kontra iisang talo, hinigpitan ng Elasto Painters ang kapit sa unahan ng standings. Humaba sa apat ang losing skid ng Fuel Masters at nalaglag sa 3-6 para tambayan ang ninth place.

“The only positive thing is, we have a chance of getting one of the top two spots,” bulalas ni coach Caloy Garcia matapos ang pang-apat na sunod na panalo ng Rain or Shine.

Lumalapit ang RoS sa bonus na twice-to-beat para sa top 2 teams pagkatapos ng 11-game eliminations.

Malamig ang umpisa ng Painters, naiiwan 57-45 sa break bago naghigpit ng depensa sa third para ikasa ang comeback.
“Our defense was different in the second half,” bulalas ni Garcia.

Tumapos si Reggie Johnson ng 32 points, 16 rebounds at 5 assists, may tig-13 sina James Yap at Beau Belga.

May 26 points si Eugene Phelps, pero hindi na umiskor sa fourth. Naka-26 din si Jeff Chan, 14 dito sa first quarter nang umagwat ang Phoenix 29-10.

Dinomina ng Painters ang paint sa kinolektang 68 points kumpara sa 24 lang ng Fuel Masters. May 22-10 advantage din ang Rain or Shine sa points off turnovers. (Vladi Eduarte)