Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Join si Xian: Kim willing magpakulong

0 384

Payag si Kim Chiu na maging housemate ulit ng Pinoy Big Brother Connect. Ito ang tugon niya kung willing ba siyang makulong sa bahay ni Kuya na kasama ang boyfriend niyang si Xian Lim.

Marami ang nag-react at kinilig na mga KimXi fan.Gustong-gusto nila na magkasama ulit ang dalawa.

Dagdag pa ni Kim sa presscon ng kanyang pag-renew ng contract sa Star Magic, may mga project daw sila ni Xian na nakaplano sa 2021 basta magiging maluwag ang situwasyon para hindi mag-suffer ang production.

Talbog!

Toni, Robi, Melai, Enchong sanib-pwersa sa PBB Connect

Tiniyak ni direk Lauren Dyogi na patuloy ang pagsunod nila sa health and safety protocols para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga nasa Pinoy Big Brother Connect.

“ABS-CBN in general are very, very strict with their protocols kasi natatakot nga kami na may magkasakit so talagang sobra, meron kaming protocols. But for PBB, we had the usual naman. We had a medical test, a psychological test, and all the physical tests. Pero ngayon importante siyempre, everyone came in earlier to do 14 days of quarantine and isolation.

“So that when they go inside the house, everybody is clear and everybody is negative and it’s the safest bubble. That house will be the safest bubble. It’s disinfected, it’s cleaned.

Walang ibang makakapasok doon na hindi siguradong 100% clear of any COVID or anything. So that will be a very, very, very safe place,” deklara ni direk Lauren.

Yes,manatiling konektado anuman ang mangyari. Iyan ang sigaw ng “Pinoy Big Brother Connect,” ang ika-siyam na season ng “PBB” na mapapanood na simula ngayong Linggo (Disyembre 6) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at Kumu.

Kahit pa may pandemya, hindi dapat tumigil ang pag-abot sa pangarap tulad ng 14 na opisyal na housemate na napiling maging bahagi ng pinakamahaba at pinakamalaking reality show sa bansa. Makakasama ng sambayanan sa pagsubaybay sa teleserye ng totoong buhay ang mga host na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Richard Juan.

Simula Lunes, unti-unti nang pinakikilala ang housemates na napili ni Kuya mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu mula sa buong mundo. Kabilang sina Andrea Abaya (Ang Cheerdance Sweetheart ng Parañaque), Justin Dizon (Ang Courageous Cabalen ng Pampanga), Jie-Ann Armero (Ang Kwelang Fangirl ng Sarangani), Kobie Brown (Ang Charming Striker ng Parañaque), Chico Alicaya (Ang Striving Footballer ng Cebu), Mika Pajares (Ang Single Momshie-kap ng Bataan), Ella Cayabyab (Ang Ra-kweentera ng Quezon), at Kyron Aguilera (Ang Shy Biker Boy ng Butuan). Sa mga susunod na araw makikilala na rin sina “Alluring Accountant ng Australia,” “Bunsong Boksingero ng General Santos City,” “Miss Malakas ng Misamis Oriental,” “Military Son ng Palawan,” “Makatang Marikit ng Pangasinan,” at “Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur” sa Kumu, “It’s Showtime,” at “TV Patrol.”

Pawang mga miyembro ng Gen Z at millennials ang housemates ni Kuya sa “PBB Connect,” na haharap sa mga task na magbibigay inspirasyon sa lahat na “kumunect” sa sariling kakayahan, “kumunect” sa pamilya, at “kumunect” sa lipunan. Upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan, dumaan sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams bago naging opisyal na housemate.

Hatid ng ABS-CBN at Kumu ang “PBB Connect,” na magbibigay ng kakaibang experience dahil anumang oras at saan man ay maaaring maging konektado sa programa. Pwedeng subaybayan ang masayang livestream sa Kumu kasama ang hosts. Dito rin mapapanood ang ekslusibong 24/7 livestream ng “PBB Connect.”

Samantala, handang-handa na ring “kumunect” ang mga nagbabalik at bagong host ng “PBB.” Si Toni ang makakasama sa “PBB Connect” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, habang sina Robi at Bianca naman ang ka-bonding sa “Kumunect Tayo” Primetime Show sa Kumu.

Sina Enchong and Melai naman ang mangunguna sa “Kumunect Tayo” Afternoon Show, habang si Kim ang makakasama sa mga special ganap ni Kuya. Si Richard naman ang bahala magbigay sa updates at pakulo sa Facebook, YouTube, at Twitter ng PBB.

Bahagi rin ng “PBB Connect” ang ex-housemates na sina Kiara Takahashi, Shawntel Cruz, Jem Macatuno, at Lie Reposposa, bilang mga manunulat at tagapag-awit ng official soundtrack ng season na ito na “Connected Na Tayo.”

Tinanong din si direk Lauren kung bakit binalik ang PBB sa gitna ng pandemya?

“Nasa utak ko yan. Is that providential? May gusto bang sabihin? Kasi wala talaga ito sa plano namin this year. We just had a recent edition and it’s a good time to take a break. But we didn’t realize in eight months of quarantine, Kumu actually had the idea of bringing back PBB. So we’re very happy with the partnership. May surprise tayo so huwag sila bibitaw kasi marami pang magaganap. Pasimula pa lang tayo,” lahad niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.