Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joint TF COVID Shield binalaan sa privacy

0 55

Dapat kilalanin ng mga pulis ang karapatan ng mga tao sa privacy kaugnay na rin sa plano ng Joint Task Force COVID Shield na i-monitor ang social media para matukoy ang mga lumalabag sa quarantine protocol na ginagawa upang maawat ang pagkalat ng virus sa bansa.

Sabi ni National Privacy (NPC) Commissioner Raymund Liboro, mahalagang respetuhin ng mga pulis ang karapatan ng mga tao at ipaliwanag ang mga hakbang na ginagawa nila para hindi malagay sa alanganin ang privacy ng mamamayan.

Dagdag pa ni Liboro, dapat may training ang mga pulis sa tamang paggamit ng social media para para masigurong alinsunod sa batas ang pagkuha nila ng ebidensiya at hindi napanghihimasukan ang privacy ng mga tao. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.