Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jojo dumalaw sa puntod ni Julie Vega

0 330

NI: ROLDAN CASTRO

Malaking palaisipan ang pagdalaw ng Revival King na si Jojo Mendrez sa puntod ng yumaong young superstar na si Julie Vega.

Sa post ni Gerly Gonzales sa kanyang Facebook account ay makikita si Jojo sa harap ng libingan ng aktres. May caption ito na ano ang ginagawa ni Jojo Mendrez sa puntod ni Julie Vega?

Sa chat tsikahan kay Jojo ay binanggit namin na paborito namin ang pumanaw na bida ng seryeng ‘Annaliza”.

“Binisita ko lang kasi paborito ko rin,” deklara niya.

Pero sa comment section ni Gerly ay may reaksyon ang mga netizen.

“Siguro nadalaw lang.”

“Nag audition sya sa pag revive ng somewhere in my past ni Julie, Kaya dinalaw nya.”

Nu’ng December 31 ay may post si Jojo sa kanyang Facebook account, “I personally auditioned for the revival of the song that I have been dreaming of singing one day…

“Alam kong marami ang magaling at sikat na posibleng kumanta nito pero wala naman pong masamang magbaka-sakali ako..super paborito ko talaga ang song ni JULIE VEGA’ na SOMEWHERE IN MY PAST…Sana mapansin at palarin ako pero kung hindi man marami naman next time….”

So, abangan natin kung si Jojo nga ang magre-revive ng ‘Somewhere In My Past”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.